40

2.9K 81 11
                                    

"Nasisiraan kana ba ng ulo Abby, paano mo nakuhang itago to lahat sa amin?" galit si Mama.  Sobrang galit at nagtitimpi lang sya dahil sa kalagayan ko.

"Halos atakihin sa puso ang Papay mo sa pag-aalala sayo" nakaupo sya sa harapan ko, pero si Joshua nakasandal na sa sofa at nakapikit ang mga mata nya habang nakikinig sa sermon ni mama.

"Ma sorry, hindi ko naman talaga sinasadya." halos pabulong kong sabi.

Napadilat at napatitig si Joshua sa akin. Iba ang takbo ng titig nya. Halatang may galit ito.

"Naguguluhan lang ako. Ma plano ko naman talagang sabihi---"

"Kung hindi pa sinabi ni Charmaine  hindi namin malalaman, pasalamat ka at mahal kita. Naku Abby!" Napapailing si Mama. "Gustong-gusto kitang tirisin ngayon sa inis ko"

Napangiti ako. Si Charmaine pala ang nagsabi. Akala ko si Cate.

Tumayo ako at nilapitan si Mama. Sumandal ako sa balikat nya. "Lalaki po ang baby ko ma, malusog pero sobrang likot" napangiti ako habang niyayakap sya. "Magkakaapo kana naman ng lalaki, kuya na po si Reiko"

Napapikit si Mama.

"Huwag kanang magalit ma, nasa Singapore ka nga yung galit mo sa Pilipinas dinala mo pa dito" niyakap-yakap ko ang braso nya.

"Alam kong mahal mo ako ma, masaya ako at nandito ka" napanguso ako at hinalikan sya.

"Kelan ka manganganak?" Napalingon si Mama sa akin.

"Any time po next week ma, Cesarean" nakanguso kong sabi.

"Bakit?" Napakunot ang noo nya.

"Weak lungs ako ma remember, may history pa ng asthma" hinawi ko ang buhok kong bagong gupit. Pinaiklian ko ito hanggang leeg para hindi ako mahirapan kung lalabas na ang baby.

Tumango sya. "Patulugin mo muna ako, nahihilo pa ako hanggang ngayon" tumayo si Mama. "San ang kwarto mo?" tinuro ko ang kwarto ko.

Tumayo sya at pumasok sa tinuro kong kwarto. Buti nalang bagong palit ang kobre kama ko.

Naiwan kami ni Josh. Nakasandal parin sya at nakapikit.

"Josh, mahiga ka ng maayos" bulong ko.

Napamulat sya ng mga mata nya at tinitigan ako.

Nagkatitigan kami. Ako ang naunang ngumiti. "Congratulations Josh, Mayor kana"

Hindi parin sya umimik, nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko rin mabasa ang laman ng mga titig nya.

"Sorry, hindi ko sinasadya Josh" umiling ako. "Kaya ko naman sana, kaso natakot lang ako na baka hindi na ako magising kawawa naman ang bata"

Hindi parin sya umimik pero napataas ang isang kilay nya.

Pakiramdam ko pinag-aaralan nya ang buong mukha ko. Pumayat ako at madalas namumutla.

"Hindi ako manggugulo Josh. Hindi ako maghahabol sayo. Kaya ko naman buhayin ang bata, kailangan ko lang ng kasama hanggang sa makalabas ako ng hospital" yumuko ako.

Napailing sya at antok na napahikab.

Ngumiti ako sa hiya. Sampal din yun sa akin. Siguro nakahanap na sya ng bago tapos bigla akong umiksena.

"Anong plano mo?" pagod nyang sabi.

"Palalakihin ko yung bata mag-isa. Ayoko naman na maeskandalo ka. Kakaupo mo pa lang may problema na agad akong binigay"

"Iuuwi ko kayo, wala akong pakialam sa plano mo" masungit nyang sabi.

"Hindi pwede Josh. Nakapirma ako ng kontrata hanggang sa susunod na taon. Malaki ang mababayaran ko kung hindi ko tatapusin yun" napakunot ang noo ko.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now