16

2.2K 73 21
                                    

Pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. Huwag magpadala at magpadalos-dalos sa emosyon ko, kailangan kong mag-isip ng paraan paano makauwi.

Binuklat ko ang bag ko, nagbakasakali ako na may nadala akong pera or atm card pero wala, mas nanlumo ako nang makitang phone, pabango at panyo lang pala ang nadala ko.

Luminga ako sa paligid. Naghanap ng mapupuntahan pansamantala.

Humakbang ako papuntang waiting shed.

Umupo ako at hindi napigilang mapaluha habang nag-iisip ng gagawin ko. Naiwan ko ang wallet ko sa dorm. Hindi ko naman kasi inakalang mangyayari to sa akin ngayon.

Gulong-gulo ang utak ko sa gagawin ko. Inisip ko kung sino ang pwedeng hingan ng tulong dito. Gabi na at parang uulan pa ng malakas dahil sa mga kulog sa kalangitan, kung sasakay ako ng bus, siguradong hindi na ako makakahabol kung maglalakad lang ako papuntang terminal.

Umilaw ang phone ko.

Mabilis kong sinagot ito kahit hindi ko alam kong sino ang tumatawag.

"He--l"

(Hi, katatapos lang ng meeting ko. Nakauwi ka na ba?)

Matagal akong natameme. Nahihiya ako, ayokong magkaroon ng utang na loob sa taong hindi ako sigurado kung sasagutin ko ba o hindi.

(Nasa labas ka pa ba?) Nahihiya nyang tanong.

"Chri-iss" nahihiya kong sabi.

(What's wrong?) Mahinahon ang boses nya. (May problema ba?)

"I need your help" pinilit kong huwag maiyak sa kanya.

(What happened?) May tunog pag-aalala sa boses nya.

Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya ang problema ko. Naguguluhan ako. Puro singot ko ang nasasagot ko.

(Where are you?) Desperado nyang tanong.

Hindi parin ako makapagsalita. Parang nakatali ang mga dila ko. Nahihiya ako, natatakot, nagagalit at balot ng poot ang puso ko ngayon.

(Please open your GPS, ill track you down) sabi nya.

Sinunod ko naman ang utos nya. Nanatili ako sa kinauupuan ko, matagal, halos trenta minutos din akong nakaabang sa kinaroroonan ko nang biglang may pumaradang kotse.

Lumabas ang isang tsinitong lalaki. He look familiar to me.

"She's here, I found her" sabi nya sa kausap nya sa phone.

"Abby, right?" tanong nya.

Tumango ako.

"Im Justine, kaibigan ako ni Chris. He sent me here to pick you up" ngumiti sya.

"Okay" ngumiti sya ulit at inabot ang phone nya sa akin. "Gusto ka nyang makausap"

Nahihiya akong tanggapin ang inaabot na phone.

(Abby, sumama ka muna sa kanya. Papunta na ako. He'll give you place to rest for to night)

Binalik ko ang phone. Nagpatuloy silang mag-usap, napatawa pa sya at napamura habang kausap si Chris sa kabilang linya. Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya sa harapan. Nakakahiya man pero sumakay ako.

Tahimik syang nagmaneho habang ako. Habang ako, natatakot at hindi nagpapahalata. Nanatili akong nakayuko buong byahe.

Hininto nya ito sa harapan ng isang malaking hotel. "High Garden Hotel"

"Good evening sir" bati ng valet.

"Huwag mo nang alisin dyan, hindi ako magtatagal" sabi nya.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now