50

4.5K 108 35
                                    

JOSHUA POV 5

Binastos ko si Abby, ang gusto ko lang naman sanang gawin kausapin sya kaso naabutan ko syang masayang nagkukwento kay Joselle.

"Alam mo kuya, ung matino kang lalaki hindi mo gagawin yun kay Abby" inis akong tinitigan ni Joselle. "Palibhasa naburo ka sa mga cheap mong kaibigan kaya natututo ka naring maging kasing cheap nila"

"Joselle" mahinahong saway ni Dad.

"Whatever!" matama nya parin akong tinitigan.

"Totoo bang girlfriend mo yung babaeng nakabangga sa akin sa restaurant?" si Mommy.

"Wala na po kami mom" mahinahon kong sabi.

"Sayang naman!" umirap si Joselle. "Your late, Abby found someone better than you"

"Return to me my ring Josh, we had our deal" umirap si Mommy na kinangiti ko.

"I told you!" masayang nagtaray ang kapatid ko.

I did my best to tame Abby those days that I can fully occupied her. Though for her, were just friends pero para sa akin ibang pakiramdam yun. Mahal ko sya, ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko pinakawalan ang pagkakataon kong makahanap ng babaeng para sa akin.

After graduation, sumama ako sa family ko pabalik ng Maynila. Nag-enroll ako sa magandang school, sinasama ako ni Dad sa mga meetings nya at sa kongreso para mapag-aralan ko ng mabuti ang pulitika.

"I want you to run as vice mayor to your tito Archie. Huling termino nya na ito. Tamang-tama ang tatlong taon para mas matututo ka sa paghawak at pagpapaikot sa magiging posisyon mo sa pulitika" sabi ni Dad.

"Baka dad im too young for that?" natatakot akong mabigo ko sya, matalo at biglang pagtawanan ng mga tao.

Umiling si Dad. "This is the best time for you to join son" he tapped my shoulder at smile. "I will assist you all the time. Gusto ko bago ako aalis sa pwesto ko, Mayor kana"

Napangiti ako. This is responsibility. Hindi biro ang pulitika. Lahat ng mata nakatitig sayo.

Graduation nya, hindi ako sumama dahil ayaw kong makipagsiksikan sa kanila. Kung hindi lang ako gago sana kasama ko ang buong pamilya nya ngayon para panuorin syang tinatanggap ang diploma nya at makinig sa valedictorian speech nya.

Napangiti ako nang nagtext si Josselle.

JOSSY:
Kuya hindi ka namention sa speech. Kawawa ka naman! Wala kasi kayong good memories together! Lahat kami namention at ikaw lang wala buti nga sayo! 😛😜😤

Napailing ako. Masakit pero tama si Joselle, wala akong naibigay na magandang memories na pwedeng baonin si Abby sa akin.

MINE:
Thank you for all the sweet toblerons, gifts, birthday memories and for at least loving me as your friend. You may not be part of my speech today but I want you to know, your also special to me Josh. My childhood will not be happy and complete without you. Thank you also for allowing me to be broken and left behind in order for me to be strong and brave enough to fall inlove again. You made me tough Josh. Thank you for all the kindness. Thank you so much.

Nasa tirasa ako ng bahay namin. Napayuko ako at hindi ko naiwasang mapaluha. Now I feel the pain striking in my heart. Tama si Joselle, you will only realize everything when your too late to have them back.

"Isang chance lang, hindi na ako papalya!" yan ang lumabas sa bunganga ko habang nagtitimpi akong umiyak. I want her back. I need her back to me.

Nagpaiwan si Abby sa Sentro para don magreview. Kakailanganin nya ang talino ni Chris para gabayan sya pero sa Maynila sya kukuha ng exam.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now