33

2.1K 69 11
                                    

Pagdating ng Maynila. Dumiretso kami ng condominium ni Zeve. Don ako mamalagi pansamantala para makapagreview ng maayos.

Sasamahan nila ako ni Joselle at Zeve.

Nasa salas ako at kinokontak si Chris nang marinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa sa kwarto.

"Sa susunod na araw pa nga si Kuya darating, ang kulit mo!" boses ni Joselle.

"Hindi ako makulit love, kahit magpakita lang tayo sa parents mo" giit ni Zeve.

Napangiti ako. Kung noon hindi mahiwalay si Joselle sa parents nya, ngayon kay Zeve na sya nakadikit.

"Bahala ka, tatawagan ko ang Mom mo"

"Eh di tawagan mo, pati yung katulong, guard at driver tawagan mo rin. Ipaalam mong nandito na tayo para masaya kana" inis na sigaw ni Joselle.

Ngumuso si Joselle. "Pag ako sinundo dito ni Mommy, hindi na ako magpapakita sayo" umupo sya sa dulo ng inaayos nilang kama.

Napatitig lang si Zeve at napangiti. Umiling sya at binaba ang phone nya.

Wala na si Zeve! Inlove na nga talaga!

Tumunog ang phone ko, video call mula kay Chris.

Kumaway- kaway ako at ngumiti. Ganun din sya. Nasa plane narin sila ni Ate papuntang Cebu.

(Call you later boo, I love you!)

"I love you too boo"

Kung hindi lang si Ate ang lagi nyang kasama, magdududa na akong may kinikita sya sa Cebu. Pero dahil kapatid nya lagi ang kasama nya, nawawala ang duda ko.

Hindi naman pumalya Chris. Araw-araw tumatawag sya pero less ang video call namin.

Gaya ng dati, lagi syang pagod sa trabaho, may sipon at inuubo narin. Nagtitiis syang makausap ako, minsan naaawa na ako kasi kailangan nyang makarating sa deadline ng release ng mga units.

"Pagaling ka na naman" reklamo ko.

(Naulanan lang ako boo, alam mo naman ang garden na yung tinatrabaho namin) nakahiga sya sa loob ng kotse nya.

"Is that my car?"

Napatawa sya at tumango. (Sorry boo, pinaandar ko lang baka masira)

"Ang daya mo!" Nakangiti kong reklamo.

(By the way, tinutulungan ka ba ni Zeve?)

Tumango ako. Pinakita ko si Zeve na nasa harap ng papel na pinapasolve ko habang si Joselle nakangiting pinagmamasdan ang nahihirapang boyfriend.

Umiling si Chris. (Hindi pa ba sinundo si Joselle)

"Pumunta dito si Tita, sinilip kami at naghatid ng groceries at gamot nya" ngumiti ako at pinakita ang kinakain kong chocolate.

(Si Josh) napatingin sya sa akin, (nagkita na ba kayo?)

Umiling ako. "Why?"

Umiling sya at ngumiti. (I love you!)

Pinakita ko ang kamay ko. "Malapit na malagyan boo"

Napangiti sya at tumango. (Dapat makatop ka) sabi nya.

Ngumuso ako. "Paano kung hindi?"

(Eh di wala!) natawa sya.

"Grabe ka!" nanlaki talaga ang mga mata ko.

Napatawa sya. (Lets see the result first boo)

Tumango ako. "I love you"

(I love you more each?)

YESTERDAY'S DREAMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora