22

2.1K 69 5
                                    

Nakahanda na kami para sa concert. Isang black spaghetti strap ang suot ko pang-itaas at skinny ripped jeans. sa baba. Tinali ko ang buhok ko ng upper bun, I wear my danglings at suot ang tatlong magkaiba ang haba na necklaces.

"Alam mo ang sexy mo talaga. Sobrang perfect ang curve katawan mo, mahahaba pa ang binti mo" puri nya sa akin.

"Ikaw din naman Lani, mas maganda ka pa nga sa akin ngayon oh" tinuro ko ang natural na pula sa mukha nya. "Ang blooming mo" nakasleeveless floral top sya at shorts.

Napangiti sya pero tinuro nya ang pwet ko. "Nakakainggit friend!"

Napatawa ako. "Pinagpala lang!"

Magseseven na nang may kumatok sa pintuan.

"Im sure si kuya driver na naman yan" napangiti sya at umupo sa kama.

Nakangiti akong lumapit ng pintuan para buksan kong sino.

Pagbukas ko. Nakangiting mukha ni Chris ang sumalubong sa akin.

Niyakap nya ako ng mahigpit, sobrang higpit. Masaya ko naman syang inamoy at niyakap din. I miss him. 7 days ko rin syang hindi nakita.

Hinalikan nya ako sa labi na kinalaki ng mga mata ko dahil nakatitig si Lani sa amin.

"Are you ready?" Tanong nya.

Tumango ako. Tinuro ko si Lani. Nilapitan nya ito at nakibeso sya.

"Kain muna tayo bago tayo pupunta don" sabi nya.

Tumango ako. Bumalik ako sa kama para kunin ang denim jacket ko.

Pinagsalikop nya ang kamay naming dalawa habang nasa loob kami ng elevator. "Humaba na lalo ang bigote mo" bulong ko.

Napatawa sya. "Just want to see it grow more." sabay haplos sa balbas nya.

Naging mas maangas nga syang tingnan kesa sa kung nakashave  nagmumuka syang bata.

Ibang kotse ang dala nya, isang ford  ranger na katulad nang kay Justin.

Sa likuran umupo si Lani habang nasa harapan naman ako.

"New?" tanong ko habang nagmamaneho sya.

Tumango sya. "Bumili kasi si Vincent, kaya nakisali narin ako"

"Congrats boo, happy new car" sabi ko.

"Happy new car to us!" pagtatama nya.

Napatawa ako. Sabagay, ako lang rin naman ang makakasakay dito.

"Hindi ka ba napapagod?" si Lani.

Napangiti si Chris. "Hindi ako napagod sa byahe, nastress ako sa delayed kong flight"

"We can cancel this one naman boo, okay lang sa amin" ngumiti ako.

Umiling sya. "Nandito na ako boo" sabi nya.

Kumain muna kami sa labas bago kami pumunta ng concert. Maraming tao, marami kaming mga schoolmates na naroon. Inaabangan kasi to every katapusan ng sem.

Pinarada ni Chris ang kotse nya sa private park sa isang gilid. Halatang naka VIP na naman sya.

Inabot nya sa amin ni Lani ang tig-isang ID. VIP gate pass.

Napatili kami ni Lani ng wala sa oras. Ang swerte lang kung iisipin pero nakakaloka talaga. Dati pangarap lang namin dalawa ang makanood ng mga ganito, pahirapan kasi ang ticket, tapos ngayon, heto na! VIP pa.

Dumaan kami sa mga nakapilang tao,
Hawak nya ang kamay ko nang papasok kami ng gate.

Napalingon ako kay Lani nang napahinto ito, "Lan--"

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now