4

2.4K 76 0
                                    

Naisipan naming maglasing ni Lani. Tutal tapos narin lang ang lahat, nasa dorm narin kami. Ang plano sana, iinom lang ako para makatulog agad at hindi na iiyak, isa, dalawa hanggang tatlong baso lang sana kaso naparami nang napahaba ang usapan naming dalawa.

"Bata palang kami, may gusto na yun sa akin. Kahit nasa private school sya nag-aaral, pumapasok pa yan ng school at sinusundo ako. Lahat ng mga kaklase ko alam nilang, mali!" umiling ako. "Buong school namin, alam nilang may gusto yang gagong yan sa akin"

"Bakit hindi mo sinagot?" lasing narin sya. "Ayaw mo ba sa kanya?"

"Mahal ko yan, kaya nga ako dito nag-aral, nagsikap akong maging  valedictorian para naman hindi ako mapahiya sa mga magulang nya kaso saksakan ng kagaguhan, matalino pero gago" tumulo ang mga luha ko.

"Paano ako maniniwalang mahal nya ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Kung hindi sya maubusan ng mga babae nya? Pakiramdam ko mamatay sya kung walang babaeng makatabi"

"Ang saklap nyan Abby!" tumawa sya.

"Sabi ko kung aalukin nya ako ng kasal, pakakasalan ko sya kahit hindi pa ako nakatapos ng pag-aaral ko. Ganun ako noon ka desperada, pero hindi na ngayon. Mas gusto ko nang makatapos para makalayo ako sa kamay nya" pinahiran ko ang mga luha ko. "Nakakapagod umasa sa taong saksakan ng paasa!"

"Buti ka nga, hindi mo pa naibigay ang sarili mo sa kanya" ngumiti sya at ininom ang laman ng hawak nyang baso.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ilang besis bago ako sumagot. "Meron na"

Nabulunan si Lani. Napaupo sya ng maayos. "Seryoso?"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Kaya nga ako nasasaktan, dati wala akong pakialam pero buhat nang nakuha nya na ang pagkababae ko, tsaka lang ako nagkaroon ng ganitong insecurities" pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang damit ko.

"Kelan?"

Umiling ako. "This semester lang, hindi yun planado, pinilit nya ako Lani" humagolhol ako. "Hindi ako nagreklamo kasi mahal ko rin sya." Pinipigilan ko ang sarili kong hindi masabing ginahasa nya ako kasi baka anong maisip gawin ni Lani. Were friends since first year, alam na namin ang sekreto ng bawat isa pero iba kasi ito. Ayokong kaawaan nya ako dahil nagahasa ako. Ayokong siraan si Joshua dahil baka sa huli, ipagpares parin kami ng tadhana.

Nakangsuso syang lumapit sa akin at niyakap ako. "Be strong, isipin mo ang pangarap mo"

Tumango ako. "Kaya nga gusto ko nang makatapos para makalayo na sa kanya."

"Ako rin, naibigay ko na rin ang lahat kay Hans. Desperada na kasi ako, feeling ko kung ibibigay ko na sa kanya, ako na talaga ang mahal nya habang buhay" napangiti sya.

"Mahal ka naman ni Hans diba?" Napatingin ako sa kanya.

"Oo naman, pero minsan napapadalas  na ang paghingi nya. Natatakot ako na baka bigla syang magsawa at iwan nya ako" tumulo rin ang mga luha nya. "Natatakot ako, baka hindi ko kayanin"

Para kaming mga basang sisiw, basang-basa ng mga luha namin.

Naunang nakatulog si Lani. Tumayo ako at binuksan ang phone ko. Gusto kong tanungin sya kung mahal nya pa ba ako? Gusto ko nang tapusin ang lahat sa amin para malaya na kaming pareho.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapaandar ang phone ko.

May mensahe sya sa akin.

Kuya Josh:
My love, kaibigan ko lang si Mich. Kina Simon kami natulog last night  birthday nya, dinaan ko lang si Mich  sa dorm kasi gusto sana kitang makita. Im sorry about it.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now