44

3.1K 82 9
                                    

Nasa bukana na kami ng airport, dala ang mga maleta namin. Tatlong malalaking maleta ang dala namin.

Pinaupo ko si Rafa sa lagayan ng bag at nakaharap sa akin. May chupon ito sa bunganga at antok ang mukha. Alas syete ang byahe namin kanina mula Singapore pero five plus palang nasa airport na kami kaya siguradong naputol ng tulog nya, alas dyez na nang dumating kami sa Pilipinas  dahil narin siguro sa higpit ng inspection at delayed flight.

Napangiti ako nang makita si Josh na nakaabang. Mas naging makisig at gumagwapo habang tumatagal. Sinalubong nya kami ng yakap at halik.

Binuhat nya agad si Rafa at pinasandal sa balikat nya. Niyakap nya ako at ilang besis hinalikan.

"Sorry, nasa congress si Dad at si Mom kaya hindi ka nila nasalubong" sabi nya.

Tumango ako. "I understand Josh" ngumiti ako at niyakap sya. Ang bango-bango nya.

"Two months lang tayo hindi nagkita, bakit parang ang laki na agad ng pinagbago mo ah" bulong nya.

Napatawa ako, "syempre para kung may umextra, may panlaban ako" umirap ako na kinatawa nya .

Umiling sya. "Wala na Mahal ko, matino na ako" niyakap nya ako.

Nasa loob kami ng airport at iaantay ang flight namin pauwi ng probinsya.

Habang nasa loob kami eroplano. Nakakandong sa kanya si Rafa. Natutulog ito at walang gana. Namumula ang pisngi nya at halatang naninibago sa klima.

Hawak ni Josh ang kamay ko habang nakasandal ako sa kanya. Habang pinagmamasdan ang nakatagilid na mukha ni Rafa. Kamukhang kamukha nya si Josh, mula kilay, mata, ilong, labi at pareho rin ang mga kamay nila.

"Sa bahay nyo tayo didiretso, naghanda ng pagkain sina Papay para sayo" nakangiti nyang sabi.

Ngumiti ako bilang sagot at tumango.

"I miss you so much" bulong nya nang magtama ang mga mata namin.

Napangiti din ako. "I miss you too" sabi ko na kinangiti nya.

Ilang besis nyang hinalikan ang bunbunan ng ulo ko habang nakasandal ako sa braso nya.

Nasa bukana kami ng aiport, karga ni Josh si Rafa habang tulak-tulak nya ang baggage cart namin. Habang ako dala ko ang bag ko, baby bag ni Rafa at stuff toy.

Masayang kumakaway sina Zeve, Joselle, Cate, Amanda at si Jannah.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila.

Niyakap ko sila. Panay ang hila nila sa buhok ko. "Nagpaganda talaga!" si Amanda, "pinaghandaan eh!"

Napatawa ako, "oo naman!"

"Takot din maagawan noh!"  Panunukso ni Amanda.

Ngumuso ako, "huwag naman!"

Natawa sila sa sagot ko.

"I miss you dear!" si Cate. Niyakap nya ako ng mahigpit. Sobrang higpit ng yakap nya.

"I miss you too Cate!" bulong ko. "Nasaan na si Vincent?"

Napakunot ang noo nya. "Wala na kami, matagal na"

Kumindat si Joselle. Anong meron? Anyari?

"Namatay na yun!" Natatawa nyang sabi.

Umiling ako at inirapan sya. Niyakap ko si Jannah. Malaki narin ang tiyan nya.

"Sorry hindi ako nakapunta" sabi ko.

"Okay lang" napangiti sya. "Ang ganda mo, sobra" napanguso sya. "Bakit ganun? Parang hindi ka nanganak?"

"Tumaba din ako nong pinagbubuntis ko si Rafa" nakangiti kong sabi.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now