41

2.8K 82 10
                                    

Bukas na ang uwi nila. Buo na ang desisyon kong iiwanan ang baby dito. Dahil gusto ko syang ibreast feed.  Sisikapin ko to mag-isa para matuto ako. Hindi pwedeng taga salo ng gusot ko. Ayaw kong masanay na malayo sa responsibilidad ko sa buhay.

May extrang katulong na pinay ang kaklase ko noon. Kukunin ko yun para mag-alaga sa anak ko. Pero hindi ko sasabihin yan sa kanila, lalo na kay Josh. Alam kong mas lalo lang syang magagalit.

"Sigurado ka na ba anak?" si Mama.

Tumango ako. "Maluwag ang trabaho ko ma. Nag-apply narin ako ng online homebase job para kung pwede nang magresign, aalis na ako sa kompanya"

Tumango sya.

Simula nang nanganak ako, umiba na ang ihip ng hangin kay Josh. Pakiramdam ko hindi nya tanggap ang bata. Lagi syang galit at hindi makausap ng matino.

Umalis si Mama para mamili ng ipapasalubong. Naiwan kami ni Joshua sa loob ng kwarto.

Nakaupo ako at nagtutupi habang tulog pa ang baby. Sya naman busy sa phone nya.

"Josh, sorry ha. Ayaw ko lang talaga malayo sa bata ngayon" paliwanag ko. "gusto kong ibreast feed sya hanggang kaya ko"

Alam kong nakikinig sya at ayaw nya lang akong titigan.

"Ayaw ko rin estorbuhin at guluhin kayo, lalo kana. Kakaupo mo lang pahihirapan na agad kita"

Hindi nya parin ako pinapansin.

"Mas gusto ko tong malayo sya sayo para hindi sya maging rason ng problema mo" gusto nang pumatak ng mga luha ko.

Napakunot ang noo nya. "Anong pinagsasabi mo?" Napatitig sya sa akin. "Huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko sayo, nagtitimpi lang ako sayo Abby"

Umirap ako. "Nagtitimpi o nagmamadali nang umuwi?" bulong ko.

Nilapag nya ang phone nya. "Alam mo ba ang problema ko Abby? Gusto mong malaman?" tunog nagtitimpi.  "Magmumuka akong tanga sa pag-uwi ko. Magiging masama akong tao dahil iniwan ko ang mag-ina ko rito" halatang nang galit. "Anong sasabihin ni Dad, ni Mommy? ng lahat?" Umiling sya. "Palibhasa kasi Abby, napakatigas mo! Nagkamali lang ako ng isang besis sayo takot kanang magtiwala ulit"

Napangiti ako, "bakit Josh, kung sasama ako sayo pauwi may kasigaraduhan bang matatahimik na ako sayo? Matatahimik na tayo?" Umiling ako. "Ngayon pa ngalang na nandito ka, hindi ka makabitaw sa phone mo ano nalang kaya kung nasa puder mo na ako? Baka naman bigla nalang may lilitaw sa hangin at sasabihing kabit na naman ako!" Tumulo ang luha ko.

I know hormonal imbalance lang tong nangyayari sa akin at nangiging emosyonal ako.

"Akala mo ba madali para sa akin to? Hindi!" Napakagat ako ng labi ko para pigilan ang panginginig ng labi ko. "Masakit para sa akin ang hindi ko mabigyan ang anak ko ng pabor na magkaroon ng  pamilya. Pero ayaw ko rin gamitin ang anak ko sayo para makumpleto kami" pinunsan ko ang mga luha ko. "Ayaw kong maging pabigat sa buhay mo" umiling ako. "Ayaw ko nang pumusta, walang wala na ako Josh."

Ilang besis akong umismid na parang bata. Gusto kong sumabog pero ayaw ko ring storbohin ang anak ko.

Tumayo si Josh at pagod na lumapit sa akin. Umupo sya sa harapan ko at pagod na ngumiti, pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi ka pabigat. Kahit kelan hindi ka naging pabigat sa buhay ko" ngumiti sya. "Ikaw lang ang tanging babaeng minahal ko at mahal ko hanggang ngayon Abby" umiling sya, "ang point ko paano tayo mabubuo kung nagmamatigas ka"

Hinawakan nya ang mga kamay ko. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil sa wakas mapapasaakin kana rin, at ngayong may anak na tayo mas lalo kitang hahawakan at hindi na bibitawan Abby!" Hinagkan nya magkabilang pisngi ko. "Kung si Amanda ang tinutukoy mo, walang kami at hindi ako nagkainteres sa kanya" ngumiti sya "Kinukulet ako ni Amanda pero magkaibigan lang kami. Hindi ko na sasayangin tong pagkakataon ko sayo" hinalikan nya ako, "diba sabi ko, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay" 

YESTERDAY'S DREAMحيث تعيش القصص. اكتشف الآن