42

2.9K 95 9
                                    

October 28. Unang kaarawan ni Rafa.

Isang taon narin ang lumipas. Parang kelan lang, ngayon naglalakad na sya at paunti-unting natututo.

"Where is color blue?" tanong ko habang nakaharap kami sa dinikit kong poster na may ibat-ibang shapes,  colors at pictures.

Tinuro nya ang color blue na triangle.

Napapangiti ako sa tuwing tama ang bawat sagot nya. Sana mamana nya ang katalinuhan namin ni Joshua.

Dalawang buwan nalang at makakauwi na kami. Halos paubos narin ang mga gamit namin dito. Ang iba, pinauna ko na sa amin.

Naglalakad na sya at marunong nang maglaro mag-isa, pero hindi sya katulad ng ibang bata na malikot at iyakin. Pakiramdam ko, naiintindihan nya ang sitwasyon naming dalawa.

Ito na ang huling besis na bisita ni Joshua sa amin. Kaming dalawa lang ni Rafa ang uuwi.

Nakaupo sila ni Joshua sa sofa bed at nanunuod ng cartoons sa TV. Bumili ako ng sarili kong TV para kay Rafa. Nahihiya kasi ako kapag naeestorbo nya si ate Carla sa panonood nito ng  TFC.

"Mommy, yung gatas po" si Joshua. Nasa bunganga na kasi ni Rafa ang daliri nya.

"Wait lang po" nagmadali akong magtimpla at inabot sa kanya ito.

Malaki at matabang bata si Rafa, mahaba narin ang kulot nyang buhok na tinatalian ko lagi. Ayaw kasing paputulan ni Joshua. Bagay raw kay Rafa tingnan ang mahaba at kulot nyang buhok.

Marami ang nahuhumaling sa kagwapuhan nya. Namumula pa ang pisngi at pulang-pula ang labi.

Kopyang-kopya nya ang mukha ni Joshua nong kasing edad nya ito.

Nahiga sya sa kandungan ng ama habang demidede. Pareho pa sila ng damit pantulog.

Lumapit ako kay Josh para magpaalam.

Hinalikan nya ako sa labi bago sya tumango at nagpaalam. Kumaway pa si Rafa sa akin bago ako umalis.

Sila ang magkasama buong araw, basta nandito si Josh magaan ang lahat. Sya ang nagpapaligo, nagpapakain at nagpapatulog kay  Rafa. Bumabawi sya sa mga buwan at araw na wala sya sa tabi ng anak.

Tinutulungan nya rin ako sa trabaho ko para mas maaga kaming makaalis pauwi.

Nakipagkita silang dalawa sa akin sa Mall, plano nyang ibili ng toys si Rafa.

Habang hawak ko na ang lahat ng folders ko, kumaway ako sa mag-ama kong paakyat ng escalator. Nakangiti silang pareho at kumakaway.

Sinalubong ko ng ngiti si Rafa habang tumatakbo palapit sa akin.

Niyakap nya ako at may tinuro agad sa likuran nya.

"Mascots" nakangiti kong sabi.

Kinuha ni Josh ang hawak kong bag habang naglalakad kami. Kumain muna kami bago nya ibibili ng laruan si Rafa.

"Rafa no!" saway ko nang kinamay nya ang pagkain ni Joshua.

Napatawa si Joshua, kumaway sya para pigilan ako at inabot kay Rafa ang gusto nitong kainin.

"Josh!"

"Its okay mine, let him learn on his own" masaya nitong nginitian ang anak.

Napailing ako. Now I can envision the future. May Joshua'ng tutubo sa katauhan ni Rafa.

Pinagbigyan ko si Rafa ngayon, birthday nya naman. "Okay lang anak, pagnakauwi na ang tatay mo putol sungay na naman tayo ha?" bulong ko na ikinailing ni Joshua.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now