34

2.1K 92 65
                                    

Araw-araw umiiyak ako at nanalangin na humaba pa ang buhay nya.

Wala akong maibibigay na kapalit kundi ang pangarap kong makatop sa board. Kaya kong ipusta yun katumbas ng buhay ni Chris. Aanhin ko ang karangalan kung ang inaalayan ko wala na.

Tinibayan ko ang loob ko para kay Chris, gusto kong maging sandalan nya. Gusto kong bumawi sa lahat ng mga paghihirap nya para sa akin.

Simula nang dumating ako, ni minsan hindi ako umalis sa tabi nya. Buti nalang maayos ang pag-impake ko ng mga damit ko kaya hindi ako nahirapan.

Malaki, presidential at may sariling kwarto para sa mga nagbabantay ang kinuha nilang room for Chris.

Nasa tabi nya ako at nagbabasa ng articles about how to make patience happy online.

Kumpara nong nakaraan, nabuhayan si Chris. Lumalaban ang katawan nya sa hamon ng cancer sa kanya.

"Nasukat mo na ba ang daliri ko?" Bigla kong natanong sa kanya.

Napangiti sya at umiling. "Paano ba?"

Luminga ako sa paligid, wala akong makitang pwedeng gamitin panukat. Hinalungkat ko ang bag ko at napangiti nang makita ang dental floss ko.

"Ito" pinakita ko at binuksan, hinila ko ang floss at binigay sa kanya. "Sukatan mo na ako boo" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan nya.

Napatawa sya. Tawang napapailing.

"Bilis na boo, baka may dumating bigla at mapahiya ako" nakanguso kong sabi.

Napatango sya at kinuha ang kamay ko. Hinalikan nya muna ito bago nya tinalian ng floss.

Niribbon nya ito sa palasingsingan ko.  "Happy?" Napatitig sya sa akin.

Tumango ako. "Oo naman, sa gwapo mong yan, sino ang hindi sasaya boo?"

Napatawa sya. "Magaling ka talaga mambola noh?" ginulo nya ang buhok ko.

"Pagaling kana boo, marami akong gustong gawin kung makalabas na tayo dito" tumabi ako sa kanya. "Gusto kong makasama ka pa habang buhay"

Napatango sya. "I will boo, hanggang kaya ko pa"

Tinaas ko ang kamay kong may floss at sabay naming tinitigan. Kinunan ko ng picture ang kamay ko at selfie naming dalawa.

Isang linggo pa ang lumipas. Nagiging malakas si Chris habang tumatagal kami sa hospital, nakakabawi na ang katawan nya.

"Boo, kakalbuhin ka na naman nila ulit" napanguso ako.

Napatawa sya habang nasa wheel chair. "Oo nga eh!"

"Zeve, ayaw mong makisabay? You need a new haircut" si Joselle.

Nagulat si Zeve sa sinabi nya. Pati ang kapatid nitong si Jannah napalingon din kay Joselle.

"Try mo naman ng bagong style" wala sa katinuan nitong sabi.

Napatawa sina tita Patty at tita Cristina sa sinabi nya.

"I really love this girl" masayang sabi ni tita Patty. "Nakakuha din ng katapat si Zeve"

"Mom!" saway ni Zeve.

Napailing ako at inayos ang apakan ng wheelchair para sa patungan ng paa ni Boo.

"Binibiro kalang!" Nakangiti kong bulong kay Zeve.

"Love, im just kidding!" umiling si Joselle at nginitian sya.

Nagpaiwan ako at hindi na sumama sa test nya para sa chemo nya.

Umuwi ako para maligo at magpalit ng damit.

YESTERDAY'S DREAMजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें