35

2.3K 86 27
                                    

Pagkatapos ng libing ni Chris, sa condo ako tumambay. Hindi ako lumabas ng halos isang buwan.

Kasama ko si Zeve at Joselle. Nagrereview si Joselle para sa board nya. Habang si Zeve naman, nakabantay sa amin.

Lagi akong nasa kwarto, nakatulala natutulog at umiiyak. Ayokong lumabas, nawawalan na ako ng ganang gumalaw.

Kaharap ko lagi ang phone nya. Paulit-ulit kong pinapanood ang mga videos namin, mga pictures namin.

Paulit-ulit din akong umiiyak na parang baliw. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko syang natatawa at ngumingiti sa video parang nabubuhayan ako. Pakiramdam ko nasa malayo lang sya at babalik pa.

Minsan paulit-ulit kong binabasa ang mga post nya sa facebook, instagram at sa google+ ... paghindi ko na kaya, niyayakap ko ang mga damit nya. May ilang damit syang naiwan sa labahan bago sya sinugod sa hospital.

Minsan iniispray ko ang pabango nya sa unan para makatulog ako.

Nababaliw na nga siguro ako. 

"Besh kain na" nakangiti nyang sabi.

Nagising ako mula sa pagkatulala. Tumango ako at tipid na ngumiti bago  tumayo.

Paglabas ko, nakahanda na ang lahat sa mesa.

"Happy birthday besh!" Nakangiti nyang bati.

May Cake, balloons at mga pagkain.

Naiyak ako, pati pasko nakalimutan ko na, "birthday ko pala ngayon" napangiti ako.

"Its okay, we understand besh!" si Joselle.

"Nandito na!" Napalingon kami sa dala ni Zeve. "Pinadala yan ni Cate kaninang umaga, aalis kasi sila ni Vincent papuntang Australia kaya hindi kana nya nadaanan"

Tumango ako. "Isang buong turkey!"

"Ilang araw kaya natin mauubos?" Nakangusong sabi ni Joselle.

"Ano ka ba!" saway ni Zeve.

Napangiti ako at umupo. Sinimulan naming kumain kahit tatlo lang kami.  Hindi marami ang kinain ko.

Bumalik ako agad sa loob ng kwarto.

Pinaandar ko ang TV. Pumasok ako ng banyo para maghilamos nang mapahinto ako. May lumbas na sobre sa taas. Isang note.

Binuksan ko. Isang reminder.

December 25
Boo's Birthday!

May nakalink itong video sa baba. Binuksan ko.

Tumambad sa akin ang mukha nyang nakangiti, nakaupo sa dulo ng kama at may katabing regalo.

"Hi boo, happy birthday. I miss you. I hope you have a great Christmas and birthday. I may not be there to cele with you but dont worry, I will throw fest in heaven for you. I love you always and take care!"

Napangiti ako, sunod-sunod ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mukha nyang nakangiti sa tv. Kumakaway sya. Nakaupo sa kung saan ako nakaupo ngayon.

Sunod kong binuksan ang 28, may video paring nakalink. Binuksan ko ito.

Nakangiti sya at may katabing regalo at balloons.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko naman natanggap ang regalon nya?

"Hi boo, happy monthsary. Stop counting how many months we have. I told you that months are unending, so our monthsary will continue no matter how old you are. I am happy to be your man, I am blessed to be your boyfriend. I am fortunate that you love me. It feels like I hit the jackpot!
I love you. I love you so much. I love you so much that I want you to be happy. Happy to someone else. Do not cage your heart boo, share it to anyone who is willing to love you and accept you for who you are. Allow someone to heal that like what you did before. Be open minded to get to know them. Your young and beautiful. You deserve to be love. I want you to be happy. I want you to look for someone who can love you more than I did"

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now