15

2.2K 78 14
                                    

Hawak nya ang plato namin habang tinatalian ko ang buhok ko ng pamiddle bun.

Nagsimula na kaming umikot at tumingin ng mga pagkaing available.

Habang pumipili kami ng kakainin namin biglang tumunog ang phone ni Joshua.

"Hello bro"

Ako na ang naglagay ng pagkain sa plato nya.

"Huh?" Napapikit sya ng mga mata nya. "San na kayo banda?"

"Shit!" Inis syang napailing. "Hindi pwede bro, alam mo nam---"

Napailing sya habang nakikinig.

"What's wrong?" bulong ko.

Umiling sya. "Sige bro salamat" pagod nyang binaba ang phone nya.

Nilagyan nya ng pagkain ang plato ko.  Ngumiti sya, "papunta na sila dito, Marissa want to see my parents. Sorry ahead" napatitig sya sa akin.

Tumango ako, "ipakilala mo narin malay mo magustuhan ni Tita" ngumiti ako at kinuha ang tong sa kamay nya. Nilagyan ko ng fried chicken ang plato nya.

"Mine please? I dont want to upset you" hinawakan nya ang baba ko.

Anong palabas na naman ang naiisip nitong lalaking to.

"Just give it a try" nagkibit balikat ako. "Sayang lang ang pagpili mo sa kanya above me kung hindi mo lang rin naman ipakilala" napangiti ako.

"Hindi mo sya kilala, she's kinda ... " hindi nya masabi.

Tumango ako. "Ikaw bahala"

Paglapag namin ng mga plato namin, inabot ni tito ang dalawang platito. "Ikuha mo ang mommy mo ng dumplings at salad"

Tumayo ako para tulungan sya.

Ako ang naglalagay habang sya ang may hawak ng platito.

"Im planning to bring Chris sa atin" nakangiti kong sabi. "Maybe sa mga darating na mga holiday"

"Dont do that, ayaw kong may makakuha ng pwesto ko sa pamilya mo? I love your family, I love kap and momma" parang bata nyang sabi, "kahit yan nalang ang ibigay mo sa akin?"

Napatitig ako sa kanya. "Hindi ko kayang gawin yan. Mahal ka ng pamilya ko Josh at hindi ka nila makakalimutan, but I want them to know also kung ano tao ang kinakaibigan ko"

Umiling sya. "Hindi ko ipapakilala si Marissa at hindi nya rin papalitan ang lugar mo sa pamilya ko, basta huwag mo rin dalhin sa teritoryo ko ang lalaki mo kung ayaw mong hindi sya makalabas ng San Rafael ng buhay" banta nya.

"Hindi talaga kita magets" natatawa  kong sabi.

Pabalik na kami sa mesa namin nang biglang pumasok ang mga kaibigan nya. Napalingon kami pareho, "dont mind them Mine" bulong nya. "Act as if you dont know them"

Nilapag namin ang mga platito. Nakaupo kaming dalawa kaharap ang direksyon ng mga kaibigan nya.

Makikita sa mukha ni Joshua gaano sya kaupset sa presensya nila.

"Relax, masyado kanamang pahalata" bulong ko.

"Gosh, I knew this will happened!" si Joselle.

Ngumiti ako at umiling. I want her to stay cool.

Napayuko nalang si Joshua habang kumakain. Halatang wala na sa tamang katinuan dahil sa mga titig ng mga kaibigan nya.

Nagtama ang mga mata namin ni Marissa. Maganda pala sya. Mahaba at kulot ang buhok, makurba ang katawan at tama ang kaputian. Nakamake up ito at halatang nagpadagdag ng piluka, mas lalong nagpaganda ng postura nya.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now