14

2.1K 59 3
                                    

Nakatayo sya sa parking sa harap ng college namin. Suot ang plain black polo nya na nakatupi hanggang siko. Nakashades at nakasalikop angnmga braso nya.

Nahihiya akong lumapit sa kanya. Im wearing ripped skinny jeans and off shoulder. Nakatali ang buhok ko at tanging kilay ang meron ako kasi wala ako sa mood kanina magpaganda.

"Sorry, napaghintay kita" nahihiya kong sabi.

Napangiti sya. "Sorry, may duty kasi ako mamaya" nahihiya nyang sabi. "Kailangan kong umuwi before three. Sorry" nahihiya nyang sabi.

Nagtitigan kaming dalawa. "Alis kana?"

"Pwede ba lunch muna tayo?" Nakangiti nyang sabi.

"May oras ka pa ba?" Napakunot ang noo ko.

"Para sayo?" tanong nya. "Oo naman" kinurot nya ang pisngi ko. "Lets go" pinagbuksan nya ako ng pintuan.

Pumunta kami sa isang grilled house. Doon kami kumain. Nagkwentuhan ng kaunti bago nya ako hinatid pauwi sa dorm.

"Thank you" sabi nya.

"Thank you rin" sabi ko.

May kinuha sya sa likuran, isang paper bag. "For you"

Napakunot ang noo ko. "For me?" Tinuro ko ang sarili ko.

Tumango sya. "Para hindi ka antokin during your study time" napatawa sya.

Napatawa ako. Nakaramdam ako ng hiya bigla at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Just joking" ngumiti sya atbkinurot ang pisngi ko.

Umirap ako. "Anyway, thank you dito. Parang plano mo ata akong patabain ah?"

"What's wrong kung tataba ka?" Napangiti sya, titig na titig sya sa akin.

"Wala!" Napangiti ako, "sige na, baka mahuli ka pa"

"Call you later?" tanong nya.

Tumango ako bago lumabas ng kotse nya. Kumaway ako bago pumasok ng gate.

Nasa pintuan na ako ng dorm nang makita ko ang kotse ni Josh sa di kalayuan. Nagkunwari akong hindi ko nakita at pumasok na.

Pagdating sa kwarto ko sinilip ko kaagad kung talaga bang sa kanya yung pick up. Napanguso ako nang makita syang bumaba ng kotse nya at at hawak ang phone nya.

Isang kita ko lang sa kanya, nakalimutan ko na agad ang isang buwan kung pagsisikap na makamove on.

Unknown Number Calling....

"Ako ba ang tinatawagan nya?" Napakunot ang noo ko habang nakikita syang nasa tenga ang phone nya.

Sinagot ko ito.

"Hello" kalmado kong sabi.

(Im here outside, nasa city sina Mommy at Dad gusto ka nilang makita. Pwede ka ba?) may tunog pakumbaba ang boses nya.

Matagal akong napaisip. Ayoko sana kasi ayoko nang magkunwari.

(Paalis bukas na kasi ang alis nila pabalik, you know them. They like you) mahina ang boses nya.

"Okay, magbibihis lang ako" binaba ko kaagad ang tawag nya.

Mabilis akong naligo at nag-ayos. Suot ang laced color beige straight cut dress na may flounce short sleeves hanggang taas ng tuhod ko at sinuotan ko ng maikling shorts sa baba.

Sinuotan ko ng isang mahabang kwentas at isang maikli para magmukhang pormal ang damit ko. Isang shiny kulay beige na sexy pointed toe flat shoes at white women's cow leather cross shoulder bag. 

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now