32

2.9K 77 27
                                    

Naging maayos ang isang linggo ni Joselle na kasama ako. May mga besis  na silang dalawa lang ni Zeve ang umaalis habang tinatapos ko ang mga requirements ko para sa pagbabalik namin sa University.

Sa huling gabi nya, pinakilala sya ni Zeve sa mga magulang nya.

Dinaanan sya ng mga magulang nya at sinabay pauwi. Habang ako naghahanda narin para sa pagbabalik ko sa University, hinatid ako ni Chris.

Pagbalik ng university, balik narin kami sa dating gawi ni Chris. Every weekend magkasama kami at kapag walang pasok, staycation kaming dalawa.

During graduation ni Lani, nakapagtapos sya bilang Cum Laude. Sobrang saya ng mga magulang nya habang malaya narin kami at nabunutan narin kami ng tinik sa sitwasyon nya. Buti nalang kahit seven months na ang tiyan nya, hindi parin nahalata nong umakyat sya ng stage.

Nanatili sa sentro si Lani kasama ni Kevin sa condo nito. Pinanagutan na talaga ni Kevin ang bata.

"Anong name?" hindi na ako umabot sa hospital dahil naging busy ako sa thesis ko.

"Calvin" sabi nya. Tumaba sya ng kaunti pero bumagay sa kanya.

Puno ng regalo ang salas nila dahil sa mga katrabaho ni Kevin at mga kaibigan.

Kami ni Chris ang nagbigay ng Crib at nauna na ito a week before pinanganak si baby.

"Anong feeling ng tatay bro?" biro ni Chris kay Kevin.

"Hindi uso ang tulog bro" reklamo nya. "Pero masaya"

"Huwag ka nga!" saway ni Lani. "Puro nga kayo tulog eh!"

Napatawa ako. I never thought this will happen to her. May biglang umalis at iniwanan sya ng responsibilidad, tapos may biglang dumating at umako nito. Very weird but surreal.

"In fairness bro, medyo hawig mo" sabi ni Chris.

"Fuhh bro, thats my son!" Mayabang nyang sabi. "We both have this" tinuro nya ang divided chin ni baby.

Tumango kami.

"Kayo? Kelan kayo gagawa?" si Lani.

"Ano ka ba!" saway ko. "May isang taon pa ako!"

Napatawa sya. "Baka gusto mong mag-advance!"

Umiling ako. "In the right time"

Iba ang ngiti nya. Halatang masaya at ngiting nanay na.

Ngayong fourth year na ako at thesis nalang ang naiwan sa akin. Naging mas matured na ako sa pakikisama sa kanya. Parang isang iglap lang, nagin parte na ako ng pamilya nila. Imbitado na ako sa lahat ng okasyon nila. Naging maluwag ang lahat sa amin ni Chris.

"Ready kana?" si Joselle. Excited nyang sinuot sa akin ang graduation cap ko. "Ang speech mo, napractice mo na ba?"

Napatango ako.

"Sigaraduhin mo, ipapavideo ko talaga ang lahat para sayo besh" naiiyak nyang sabi.

Niyakap ko sya. "I love you besh!"

"Ang toga mo!" saway nya.

"Anak, Im so proud of you" si Mama. Naiiyak sya habang inaayos ang toga ko.

"Thank you ma" naiiyak narin ako. Hindi ko inaasahan ang maging batch valedictorian, muntikan na akong masuma kung hindi lang talaga ako lampayatot sa PE.

"Ma thank you" bulong ko.

Tumango sya at pinahiran nya ang luha nya. "Halika na! Excited na ang Papay mong makita ka sa toga mo" sabi ni Mama.

YESTERDAY'S DREAMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora