1

4.2K 99 0
                                    

Maga ang mga mata kong umuwi, hinatid nya ako sa dorm. Hindi ko sya pinapansin buong pagkakataon na nasa loob kami ng kotse nya. Kinamumuhian ko ang ginawa nyang panggagahasa sa akin kagabi.

"Bakit maga ang mga mata mo ate?" si Lani.

Umiling ako at pagod na umupo sa kama ko. Nararamdaman ko pa ang hapdi ng kagaguhan nya sa akin. Walang hiya sya. Kakarmahin din sya. Tandaan nya, may pinagsamahan  kami pero  wala syang karapatan na bastusin ako.

Tumayo ako at naligo. Tumagal ako sa loob ng banyo. Ilang besis kong kinuskos ko ang buong katawan ko at sinabunan. Pakiramdam ko napasukan ako ng dumi sa loob ng katawan ko at visible itong nakikita sa mukha ko.

Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko, ng mga magulang nya sa akin? Si Joselle, pinagkatiwalaan nya ako at nangako akong hindi ko basta-bastang isusuko ang pagkababae ko. Paano ko sasabihin na ginahasa ako ng kapatid nya? Maniniwala ba sila sa akin.

Buong araw akong nakatulala sa kama ko. Natatakot akong lumabas dahil natatakot ako sa kanya. Nahihiya ako na baka may nakaalam at mapapahiya ako sa daan.

Ilang besis akong iyak, tumahan, umiyak, tumahan na parang baliw hanggang sa natauhan ako at nagkalakas loob, ako ang mas dapat magalit sa kanya. Ako ang mas may karapatan manumbat, bakit ako matatakot sa kanya?

Tatlong araw, hindi ako dumadaan sa mga lugar na alam kong pwede nyang daanan, hindi ako lumalapit sa college nila at lalong hindi ako tumatambay sa labas ng dorm dahil baka madaanan nya ako.

Umiwas ako sa kaya ng maabot at magagawa ko. Lagi akong nagdadasal na sana hindi bumunga ang kahayupan nya para hindi ako  mapahamak at tuluyang matali sa kanya.

Isang linggo, dalawa, tatlo hanggang naging isang buwan na ang nakalipas.  Masaya ako nang dinugo ako. Sa wakas, mawawalan na ako ng pasanin sa isipan at dibdib ko. Masaya akong nililinis ang mga napkins kong punong-puno ng dugo. Pakiramdam ko mabunutan ako ng tinik sa lalamunan. 

Isang linggo ang lumipas, bumalik na ang sigla sa buhay ko, masaya na ulit akong nagpatuloy ng routine ko bilang estudyante. Tahimik at magaan, kahit nawala ang pagkababae ko pinipilit kong ayusin ang lahat sa sarili ko, ako ang inaasahan ng pamilya kong aahon sa kanila sa kahirapan.

Papunta ako ng library para ibalik ang librong hiniram ko, magbabakasakali akong maabutan ang library kahit pasado ala singko na ng hapon magbabakasakali parin ako para hindi ako mapatungan ng fines. Sayang din ang fifty, pang-ulam narin yun.

Napapikit ako ng mga mata ko sa pagkabigo ng makitang sarado na ang library. Siguro kung binilisan ko lang ng kaunti ang lakad ko siguro naabutan ko pang bukas to.

Mas lalo akong nanlumo nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. Sobrang lakas na halos binalot nito agad ang paligid ng kadiliman. Wala akong natatanaw na kahit isang sasakyan, may iilang mga estudyante rin ang nakasilong sa mga tabi-tabi pero halos mga lalaki o magkagrupo.

Madilim na ang paligid, pasado alas sais na at nandito parin ako nakatayo sa harapan ng library. Basa na ang suot kong damit lalo na ang pantalon ko dahil sa ambon.

"Baka gusto mong pumasok muna para hindi ka mabasa?" sabi ni mamang gwardiya.

Gusto ko sana kaso kahit sa dilim na paligid nakikita ko gaano ka pula ang mga mata nya at iba ang amoy ng hininga. Napailing ako at humakbang palayo sa kanya.

Lumabas sya sa kinaroroonan nya at nilapitan ako para kausaping pumasok muna para hindi ako mabasa. Mas lalo akong natakot nang makita kakaibang mukha nya. Parang wala sa tamang katinuan.

"Salamat nalang po" humakbang ako palayo at nagpaulan. Bahala magkalagnat huwag lang mas mapahamak.

Biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko. Kahit nya na ibaba ang bintana, kilala ko na ang nasa loob.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now