29

2.1K 62 5
                                    

Naging masaya ang kaarawan ko. Simpleng handaan at kami-kami lang ang naroon. Hindi kami mahilig maghanda ng maramihan at kalakihan kung may kaarawan. Mas gusto naming kami lang.

"Papay iluluto mo ba ako ng kaldereta ngayon?" Nakangusong tanong ni Joselle.

"Meron akong tinabi na isang kaldero don para sayo" si Mama.

"Yun ba yung kagabi?" Lumapit sya kay Mama.

"Oo" tumango si Mama.

Pumalakpak sya sa saya.

"Papay may bisita ako mamaya" masaya nyang sabi. "Pwede pay?"

"Naimbita mo na diba?" sagot ni Papay.

Napatawa kami ni Ate.

Napanguso si Joselle. "Pay be kind again later ha?" Kumapit sya sa braso ni Papay. "I dont know Dad if he will like him" nalungkot agad siya. Ibang lungkot.

Lumapit si Mama sa kanya at nginitian.

Tumayo na agad ako para maghanda.

"Oo na, papuntahin mo na yan dito para makilala natin" si Papay.

Napangiti sya. Ngiting may halong pagod at lungkot.

"Siguro gwapo yang bisita mo?" Biro ni Mama.

Nilingon nya si Mama at tumango.

Kumuha ako ng tubig at inabot sa kanya. "Sigaraduhin mong kakanta yan mamaya ha!"

Napangiti sya. Uminom sya ng gamot nya.

Napasilip ako sa bintana nang marinig ang busina ng kotse ni Josh.

"Umaga kana natulog noh?" si Ate.

Tumango akong nakangiti.

"Call center kana naman?"

"Alam mo na, birthday ko eh!" Napatawa ako.

"Para kayong mga bampira, hating gabi nag-uusap" bulong nya.

"Parang kayo rin ni kuya noon" kumindat ako na kinatawa nya.

"Naiinis ang kuya mo, huwag mong ipakita yang masaya mong mukha sa kanya" bulong nya. "Team Josh sila dito"

Napangiti nalang ako at umiling.

Pumasok si Joshua na may dalang soft drinks. Nilapag nya ito sa harap ng ref.

"Salamat Josh" si Mama.

Hindi ako kumibo. Nagpatuloy ako sa pagbabalot ng lumpia. Umupo sya sa tabi ko at kaharap si Joselle na kanina pa nasa phone nya.

Binalatan nya ang hawak nyang kendi at kinain.

Umilaw ang phone ko.

My Boo:
Nakarating na si Zeve?

Napatingin ako kay Joselle na nakangiti.

Ako:
Hindi pa boo, katextmate pa ata ni Joselle.

Pagbaba ko ng phone ko, agad kong sinaway si Joselle. "Paano makakarating si Zeve kung text ka ng text?"

Napatawa si Joselle. "Oo nga noh!"

"Sino pala yan?" si Josh. "Hindi kana natutulog sa kakapindot ng phone mo!" Napakunot ang noo ni Josh.

"Kuya you should behave later ha?" Napanguso sya.

Napakunot ang noo ni Josh. "Sino nga!"

"Si King Apollo" bulong ko.

Napakunot ang noo nya lalo. "Sino don?"

"The singer!" nakangiti kong sabi.

"Paano mo nakilala yun?" Abilis nyang tanong kay Joselle.

YESTERDAY'S DREAMजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें