36

2.3K 79 7
                                    

Tatlong taon akong nag-aral bago ako nakatapos sa master's degree ko. Tama ang naging plano ni Chris. Sa gaanitong paraan ako makakamove on. Dito maiiba ang mundo ko.

Unti-unti akong nakabangon mula sa kalungkutan.

Nagsimula akong maging active sa social media.

Isang parte ng buhay ko ang tumubo hindi bilang si Abby kundi ang naging matured at malakas na si Abby.

"Oo na nga Joselle" inis kong sabi. Ilang besis na syang tumawag ngayong araw para iremind ako sa flight ko pauwi.

(Kung hindi ka darating, hindi ako sisipot si kasal ko) suplada nyang sabi sa kabilang linya.

Napatawa ako. Simula nang maging sila, nabago narin ang lahat sa mundo ni Joselle. Hindi na sya ang gaya ng dati. Matured na sya both emotional and mental aspect.

"Nasa airport na nga ako!" Sigaw ko.sa inis.

(Talaga?) Tunog galak ang boses nya.

Last year, pumunta sila dito para bisitahin ako. Unang besis yung umalis si Joselle abroad na si Zeve ang kasama nya. Ganun ang tiwalang binigay ni Tita at tito kay Zeve.

(Sige, susunduin kita sa airport para didiretso na tayo sa gumawa ng gown mo)

"Okay okay besh, huwag kang mag-alala, makakarating ako by hook or by crook" natatawa kong sabi.

(Masaya ako besh)

"Sino bang hindi? Napatingin ako sa kamay ko. I miss him. Napangiti ako.

(I want you to be here beside me, alam mong kapatid na ang turin ko sayo diba?)

"Huwag mo akong dramahan nasa airport na nga ako!" inis kong sabi na kinatawa nya.

(Besh excited na ako!) sigaw nya sa tuwa.

Naalala ko pa nong gabing nagpropose si Zeve. Ilang gabi nya din ako kinulit at tinatawagan paano nya masusurpresa si Joselle at mapaoo.

Sa lagi silang nagbibiruan, ayaw na ni Joselle maniwala sa kanya.

"Your always lucky to have Zeve, simula nong makilala ka nya hanggang ngayon, hindi ka nya binigo" napapahid ako ng luha.

(Besh! Pinapaiyak mo ako!) Siguro hanggang kanto ang nguso nito.

"Flight ko na. Hope to see you soon!" Sabi ko bago binaba ang tawag nya.

Nasa bukana ako ng airport at hinihintay si Joselle. Nauna pa akong dumating kesa sa kanya.

Nakasuot ako ng cherry red polka dot blouse at boyfriend pants sa baba. Nakatali ang buhok ko at may suot akong salamin.

Huminto ang isang kotse. Binaba nya ang salamin at ngumiti sa akin. Si Zeve.

Tinulungan nya ako sa dalawang maleta kong dala na mailagay sa likuran ng kotse nya.

"Si Joselle?" nakangiti kong tanong.

"Sinamahan sina Mommy at Jannah silipin ang mga bulaklak na gagamitin sa kasal" pagkasara nya.

Naglahad sya ng kamay sa akin. "I miss you" sabi nya.

Niyakap ko sya, "sorry, I was not around to comfort you" nahospital ang Dad nila at ilang besis naoperahan sa puso. That was the darkest moment of his life.

"Its okay, buhay naman si Dad" napangiti sya. "Hindi ka rin malakas that time"

Ngumiti ako at tumango.

Sabay kaming pumasok sa loob ng kotse.

"Congrats Zeve!" bati ko. "Sure ka na ba? Baka bigla kang umatras sa kasal masusunto---"

YESTERDAY'S DREAMOnde histórias criam vida. Descubra agora