9

2.1K 69 3
                                    

Buong gabi nasa kwarto lang ako, maaga akong natulog at walang ganang makipag-usap sa lahat.

Alas otso na ako nagising, malungkot parin at walang gana.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo.

"Talagang pagod ka at hindi kami pinagbuksan kami" si Ate Yuki. Asawa sya ng kuya ko, maaga silang nagpakasal right after college. Half Japanese girl at sobrang bait.

"Ate" tinakpan ko ang bunganga ko ng tuwalya at niyakap sya.

"Sorry ate, wala kasi akong tulog ilang araw kasi sunod-sunod ang exams ko"  paliwanag ko na kinatango nya.

"Kumain kana, itinabi kita dyan ng mauulam mo" sabi nya.

Tumango ako at ngumiti.

"Riyo!" saway nya sa pamangkin ko. Naglalakad na kasi ito kaya malikot narin.

Nilapitan ko si Riyo niyakap. Ang bango-bango nya kasi bagong ligo.

Naligo ako at nagpaganda, makikipagkita ako kay Joselle ngayon.   Namimiss ko narin yun.

"Ate lalabas muna ako, makikipagkita ako kay Joselle" paalam ko kay ate Yuki nasa salas sila at nanonood cartoons.

"Si mama pala?" Napahinto ako nang makitang nagpapacute ang pamangkin ko.

"Nasa school na, busy kasi naghahabol ng grades, si Papa nakaalis narin" ani nya.

"Si Anny?" Tinutukoy ko ang bunso namin, kakahigh school lang.

"Maaga pang pumunta ng school din magpapaperna raw ng clearance"

Kumaway ako para magpaalam sa kanila. Nakipagkita ako kay Joselle sa tambayan namin lagi kung nandito kami sa amin.

Sa isang cafe na pagmamay-ari ng tita nya.

Pagdating ko, nandon na sya sa labas at excited akong hinihintay. Nagyakapan kami ng mahigpit, sobrang higpit like we always did.

Naging bestfriend ko sya dahil magkaklase kami mula elementary hanggang high school.

Pagkaupo naman, sinerve naman agad ang order nya para sa amin. Frappe, cheesecake at fries. Magkaharap kami at parehong kinikilig.

"Kwentuhan mo na ako dali" nakangiti nyang sabi.

Umiling ako. "No extra special, alam mo naman ang kapatid mo!"

Napatawa sya. "My brother loves you so much" umiling sya sa akin. "Every detail about you is special for him"

Tumango ako, how can I tell her I was cheated, na pinagsabay nya kami ng extra nya. Mali, maybe ako ang extra nya. Reserve for baga.

"Anyways, ikaw? May boyfriend kana ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling sya, "alam mo naman si Mommy, mapili yon"

"How about suitors?" Nakangiti kong tanong.

Napatango sya. "Halatang hindi seryoso kaya mas minabuti ko nang umiwas nalang"

Isang oras na kaming nag-uusap nang biglang dumating si Josh.

Ginapangan ako ng kaba sa presensya nya. Tipid syang ngumiti at tumabi sa akin.

"You really look good together" kinikilig na sabi ng kapatid nya.

"Oo naman" napatingin sya sa akin, "im yours right?" binalot nya ako sa yakap nya.

Tipid akong ngumiti, pero hindi ako sumagot. Buti nalang iniyak ko na kagabi lahat ng sakit para sa pagkakataong ito. Alam kong mangyayari to.

Pumalakpak si Joselle.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now