Chapter 2: First Attempt

12.5K 256 3
                                    

Karen's POV:

Nasa school na ako. Buti na lang hindi masyadong traffic and also magaling maghanap ng shortcut si Mang Ben. Driver namin. Bago ako bumaba ng kotse ay inalis ko ang pag aalala sa mukha ko. Baka makahalata sila na may nangyaring hindi maganda. Pagbaba ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni Gail and Agatha sa parking lot. KKK (Kanya-kanyang kotse) ang peg namin.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko.

"Hindi. Kadarating lang din namin." Sagot ni Agatha.

"Buti di mahirap magpark kahit first day. Ansarap sa feeling!" Sabi ni Gail.

Naglalakad na kami palabas ng Parking area nang biglang may humarurot na kotse na papalapit sa amin. No. Le'me rephrase that. Papalapit sa akin. Para akong natuod dahil di ko maigalaw ang buong katawan ko para iligtas ang sarili ko.

Naramdaman ko na may humugot sa kamay ko. Bumalik ako sa aking katawang lupa nang bumagsak ako sa sahig.

"Hoy! Bullsh*t ka to the nth level! Bumalik ka dito. Hoy!" Sigaw ni Agatha. Tinulungan naman ako ni Gail na tumayo. Buti gasgas sa siko lang inabot ko.

"Hey Kar, are you okay? May masakit ba?"Alalang tanong sakin ni Agatha.

"Wala naman. Maliban lang sa sugat na tinamo ko sa siko." Sabi ko.

"Nako sorry kung nasugatan kita."- Agatha

"It's fine. Thank you for saving my life" serysong sabi ko.

"Kung hindi mo hinila ang kamay ko papalayo sa kotse, siguro nagkalat na ang utak at laman loob ko dito." Dugtong ko.

"Ang O.A nun Kar ha. Masasagasaan ka. Hindi ka kakainin ng aswang" sabi ni Gail. Biglang naman kaming natawa dun.

"Hahahaha! Sorry. Di nyo na ba ako mapapatawad?" Tanong ko habang tumatawa.

"Basta last na yun."nakangiting sabi ni Agatha.

Nagsimula na kaming lisanin ang parking area matapos ang nangyari. Biglang nagtanong si Agatha.

"Kar, sino sa tingin mo ang nagbalak sagasaan ka?" Tanong niya.

"Hindi ko alam eh." Tipid kong sagot.

Sino nga ba ang nagbalak at nag-attempt na patayin at sagasaan ako?

Biglang nag pop-up sa utak ko yung death threat na sinabi sa akin ni Dad kanina. Is this their first attempt? Well, sorry to tell them. Masamang damo ata ako.

"Bilisan na natin maglakad. Baka ma-late tayo sa first class". Change topic ko.

Should I tell Gail and Agatha about the death threats?

Or not?

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now