Prologue

29.2K 535 148
                                    

Old title: Lost for Words

***

Prologue:

Sinipat ko ang wristwatch ko. Halos mahigit isang oras na ako rito sa park, hindi pa rin dumadating si Talia, ang girlfriend ko. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko.

Makulimlim na ang ulap at kumukulog na. Mukhang patapos na nga ang summer at magtatag-ulan na.

Hays, di na yata darating ang babaeng 'yun. Pumatak ng unti-unti ang ulan at biglaang pagbuhos nito. Nagsitakbuhan ang mga namamasyal at naghanap ng masisilungan. Ako, heto at nagpaulan na lang. Tumingala pa ako sa langit at sinalubong ang tubig-ulan. Pumikit ako at may narinig na babaeng nag uusap malapit sakin.

"Kawawa naman si pogi, inindian yata siya ng ka-date niya."

Patuloy parin ang pagbuhos ng ulan. Tumayo na ako dahil giniginaw na ako. Iniwan ko ang bulaklak sa bench na inupuan ko at naglakad na palabas ng parke. Sumakay na ng motor at pinaharurot ito.

Nang nag red light ay napatingin ako sa side, laking gulat ko nang makita ko si Talia na lumabas sa coffee shop na may kasamang lalake. Binuksan niya yung payong at pumunta sila sa isang kotse at pinagbuksan siya ng lalake.

Tangina!

Tumiim ang bagang ko at humigpit ang hawak sa motor. Hindi alam ang gagawin, kung susugurin ba sila o hahayaan na lang.

Sa huli, sinundan ko sila. Humupa na ang ulan. Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay ni Talia. Bumaba na ako ng motor at mabilis na nilapitan sila na lumabas ng kotse.

Matalim ang tingin ko sa kanila lalo na kay Talia na gulat na gulat sakin.

"Sino siya?" galit na tanong ko kay Talia.

"Bagong boyfriend ko." matapang niyang sagot.

Aba't!

"Ang boring mo naman kase sa kama." sabi niya sabay irap.

What the!

"Wait, may boyfriend ka pa pala? Pinagsabay mo kami?" naguguluhang tanong naman ng lalake.

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Babe, matagal na kaming hiwalay, hindi pa yata siya nakakamove-on." paliwanag ni Talia.

"Pasok na ako, babe." sabi niya at hinalikan sa labi ang lalake. 'Yung lalake naman, nag smirk pa sakin.

Parang kumulo ang dugo ko at mabilis na pinalipad ang kamao ko sa mukha ng lalake.

"Oh no!" sigaw ni Talia.

"Umalis ka na, Dwayne!" pangtataboy niya sakin.

Tinitigan ko ng mariin 'yung bagong boyfriend niya bago sila tinalikuran.

Tsk! Kainis. Minsan na nga lang ako magkagusto sa babae eh.

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a Crime!

This story contains explicit mature themes. This is not suitable for people below 18 years old. Read at your own risk.

This story may contain grammatical and typographical errors.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now