The One With Bataan

Start from the beginning
                                    

Magkatapat kami ni Mama, nagkakape, kwentuhan tungkol sa mga achievements niya sa call center at kung gaano siya kasaya sa bahay ni Tito Raul, at ako, kung gaano kadali ang buhay ko sa bahay ni Gabriel.  

Matapos ang ilang sandal, mainit na ang sinangag at may mga fried ham and eggs na. Umupo na sa tabi ko si Gabriel.

"Wow, thanks chef Gab. But let's go to business," sabi ni Mama na parang nag-iba ang tono. "Formality lang naman ito. Ayoko kasing isipin na nagli-live-in kayo, kaya..."

"Ma? Gabriel?" sita ko. "May na-line up na ba kayong discussion points bago tayo magkita-kita?"

"Uy, ang Alex ko," sabi ni Mama. "Humihirit na. In fairness sa'yo Gab. You're bringing out the best in my bagets."

"Thanks," sabi ni Gabriel. "And so he is to me."

"Huwag tayong magbolahan," singit ko. "Nag-usap na kayo, 'no?"

"Tinawagan ako ni Gabriel kagabi," sabi ni Mama. "Gusto daw niya na magkita tayo ngayong umaga, para daw hindi na kita namimiss habang doon ka nakatira sa kanya. Good idea naman, briliant naman pala talaga ito, sagutin mo na, chika lang... pero diba, kung magkikita nga naman tayo..."

"Ma," singit ko ulit. "Focus. Ano nang napag-usapan ninyo?"

"E papunta na nga ako dun, kung hindi mo ako siningitan," sabi ni Mama. "Iyun na nga. Maganda nga na nakatira ka sa kanila, pero parang ayokong nakikitira ka sa kanya. Mukha kayong nagli-live-in. So, we need to pay him. Rerenta ka na sa kanya, bedspacer kumbaga. Like that. Diba, para malinis ang usapan."

"And I think that's a good idea as well," sabi ni Gabriel. "Even your kuya Albert thinks so, too."

"Ito naman," may inilabas na card si Mama. "Para hindi ka na mahirapan, ayan, nakasulat na dyan ang password, baguhin mo na lang."

May atm card na ako. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagningning ang mga mata ko. Tumayo ako at niyakap si Mama.

"Alam ko naman kasing hindi na ako laging nandyan para sayo, una, dahil imposible yun, lumayo ka nga sa akin, e, pero drama aside, alam ko rin na college ka na, may mga issues ka na, na gusto mong solohin. Pero hindi kita tinataboy ha, mahal na mahal kita anak, pwedeng pwede ka pa ring lumapit sa akin. Go lang, anak, push lang, lapit ka lang sa akin at kering keri natin yan. Wala na ako palagi sa tabi mo, pero promise anak, isang tawag mo lang, darating ako."

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ni Mama.

Hindi naman ako manhid. Humihinga na rin ako ng malalim. Nagpipigil na rin ako ng luha. Pero iyun, tumulo na rin, hindi ko napigilan.

"Mahal na mahal din kita, Ma," sabi ko. "Alam mo naman yan. Ito na ba ang start ng regular na pagsasabi ng I love you sa isa't-isa?"

"Oo," sabi ni Mama. "Yung I love you na live na live worldwide. Hindi text-text lang."

"Pero, Ma," sabi ko. "Lagi kitang kailangan. Hindi darating ang panahon na hindi kita kakailanganin. Kaya huwag kang mawawala, ha."

"Hindi naman ako mamatay, anak," sabi ni Mama at pinunas ang mga luha niya. "O siya, enough is enough. Tama na ang drama na to. Panira ng make-up, buti at uuwi na lang ako."

Buong umaga si Mama sa bahay, nanood kami ng DVD, kwentuhan pa. Bumaba siya ng condo, namalengke at nagluto ng lunch. Pagkatapos ay kumain kami. Kwentuhan pa rin. Hanggang sa magpaalam si Mama. Nasa baba na daw si Tito Raul, sinusundo na siya. Gusto ko man si Mama na dito na lang din sa bahay ni Gabriel, gusto ko ring maging masaya si Mama. Si Tito Raul ang nakapagbibigay noon sa kanya.

Malinis na ang bahay pag-akyat ko. Nakaupo na si Gabriel sa sofa at nanonood ng TV. T-shirt at jeans pa rin. Hindi pa nagpapalit mula nang sunduin namin si Mama. Ako, shorts at shirt. Ito rin ang suot ko kanina pa. Tumabi ako sa kanya. Hindi siya gumalaw. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Thank you," sabi ko na hindi tumitingin.

Lumingon siya sa akin.

"That's it?" sagot niya na may kakaibang ngiti.

Umiling ako. Atsaka ko siya niyakap nang mahigpit.

"Thank you," ulit ko.

"That's it? Thanks with a tight hug?"

Hindi pa rin binabago ni Gabriel ang pagkakaupo niya.

Hinalikan ko si Gabriel. Humalik din siya. At napahiga na kami sa sofa.

"You're welcome," at ngumiti na si Gabriel.

Natunaw ako. Parang kailangan ko pang magpasalamat ulit para sa sandaling iyun. Salamat Gabriel.

"You're welcome, again," sabi ni Gabriel.

"Huy, wala akong sinasabi," sabi ko.

"But your eyes are thanking me."

"Yes they are."

Huminga ako nang malalim. Kumunot ang noo ni Gabriel.

"That, I don't know kung anong ibig sabihin," sabi niya.

"Gabriel?" sabi ko. "Medyo matagal-tagal na kasi tayong naghahalikan. Hindi naman sa hindi ko gusto yun. Gustung-gusto ko nga. Pero ayus lang ba 'yun?"

"Fine by me," sabi ni Gabriel. "Ayaw mo na ba?"

"Gusto pa," sagot ko.

"Good. I would have been very disappointed otherwise."

"Pero okay lang ba talaga yun? Naghahalikan tayo, magkayakap tayo matulog. Andami mong ginagawang nagpapasaya sa akin..."

"Where is this leading to?"

"Eh hindi pa kasi TAYO. Okay lang ba 'yun?"

"I'm cool with whatever you want. But I think it is much okay if TAYO na. Gusto mo na ba?"

Inilabas ko ang telepono ko. May binago nang kaunti sa setting. Tapos inilagay ko sa mesa. Matapos noon, lumapit ako kay Gabriel. Yumakap. Humalik. Hindi naman ako binigo ni Gabriel. Mas mainit ang mga halik niyang ibinalik sa akin. At ang kanyang yakap, mas mahigpit.

Nahiga muli kami sa sofa. Ako, nakahiga, siya, nakapatong sa akin. Ang isang kamay niya ay pumailalim na sa likod ko, at ang isa sa aking batok, tinitiyak na hindi bibitiw ang aking pagkakahalik sa kanya. Damang-dama ko ang init nang malalambot niyang mga labi. Ang kanyang dila, nilalasap ang aking bawat halinghing.

Hindi ko na matiis. Hinawakan ko ang kanyang harapan, ang kanyang katigasan. Napahinga siya nang malalim nang gawin ko iyun. Napadilat siya. Nakatitig sa akin. Nagtatanong. Alam ko ang isasagot.

Hinawakan ko ang kanyang damit at sinimulang itaas. Pero hinawakan niya iyun, pinigilan ako.

"Gusto mo na ba?"

Nakangiti ako. Huminga muna nang malalim pang isa. Tumango.

"Gusto ko na."


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now