"What's so special about you, huh?" she almost asked the necklace. Dalawang araw na niya talaga iyong tinitingnan-tingnan.

After what James said in the storage room, muling bumalik ang pagkalito sa kaniya. Mahalaga siya sa lalaki. And his letter... she feels how concern he is. He makes her feel special again. Really special. Ano ba siya para kay James? Gusto ba siya ni James? She needs an answer.

Nang itiklop niya ang liham ay napansin pa niya ang maikling mensahe sa unang pagkakatiklop nito.

"Akala ko, maibibigay ko sa'yo itong regalo ko noong kaarawan mo... Pero hindi ko man lamang nagawang makalapit sa'yo sa lagpas isang buwan na nakalipas. Magaling ka pala sa tagu-taguan.

Biro lang. Naiintindihan ko naman ang ginagawa mo. Iintindihin ko ang lahat para sa'yo...

Maligayang Pasko sa'yo at sana ay maging maganda ang Bagong taon na ito para sa'yo. Sana rin ay makarating na sa'yo itong regalo ko."

Honestly, she chuckled on the last line of the first paragraph. James... Now you're joking, huh?

That night, she finally put back the necklace in its box and slept peacefully. It was the first night that her heart was full of positivity and joy. Indeed, a new year for her.

The following days were nothing but surprising. James is still proving what he said. Pero kahit ganoon, Meriah is trying so hard to act normal and unimpressed. Hindi niya alam kung bakit. Gusto lamang niya.

Abala ang lahat nang biglang pumaroon sa department nina James ang dalaga. Binati ng lahat si Meriah, samantalang siya ay hindi kaagad nakaimik dahil sa pagkabigla na naroon sa harap nila ang dalaga. Tingin niya ay bagay na bagay talaga sa dalaga kung gaano ito kapormal sa tindig at suot nito. Napakaganda talaga niya.

Hindi man diretsong nakatingin si Meriah sa binata at minsang napasadahan lamang ito ng tingin, nakita niya kung gaano katitig na titig sa kaniya ang binata. Gusto na lamang niyang matunaw sa kaniyang kinatatayuan o 'di kaya ay tumakbo pabalik sa opisina niya dahil sa kakaibang pagtitig na iyon ng binata. But being a trainee in that company also means that she's training to be the boss. She doesn't have a choice but to stay professional.

Apparently, Meriah went to the Sales Department just to announce something that her father wants her to do. After doing so, she decided to go back to her office and started to walk her way but James stopped her.

"Meriah– I mean, Miss Buenavidez... may ibibigay pala ako sa'yo, saglit lang..." Tumalikod ang binata para harapin ang mesa nito.

He removed something from his paperbag, muli siyang humarap kay Meriah na bitbit pa rin ito. He lifted it up in front of her.

"Ah, ano... niluto ko kanina," umpisa ni James, kinakabahan. "Pero ano... h'wag mong iisipin na niluto ko 'yan dahil ano... Ayos lang naman kung ano–."

Itinaas ng dalaga ang kaniyang kamay para patigilin ang binata sa sinasabi nito.

"Breathe, James..." Meriah said not only for him, but also for her.

She needs to take a deep breath dahil naloloka siya sa kakaibang kinikilos ni James. It's weird! He wasn't like that before, even last time. She has known him for being the man who's always sure of his words... Now he's in front of her, stammering and all.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now