Ika-sampu

60 12 0
                                    

Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain.

"Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?"

"Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!"

"Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.

Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito.

"Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"

Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na tinapos namin para sa foundation week. Kapag naaprubahan ang mga activities na ihinayag namin ay bibigyan kami ng pondo para maisagawa iyon.

"Seryoso talaga kayo sa partner game?" natatawa si Jef nang itanong iyon.

"Ideya nila 'yan. Pangdagdag lang daw dahil wala na silang maisip na activity o booth. Hindi naman siguro iyan aaprubahan ng council dahil mas marami at magaganda ang academic activities natin," tugon ko habang sinusubukang gumuhit sa white board doon.

"Tamang tama 'yan!" Pumalakpak ang kausap. "Ikaw na ang maglettering sa mga booth natin, ha? Para maituon na lang sa ibang bilihin 'yong perang magagamit para sa tarpaulin."

"Sige. Basta ibigay niyo sa'kin 'yong tema at gusto niyong disenyo."

Hinintay ko na rin matapos si Jef at sabay kaming bumalik sa classroom. Wala pa rin ang aming professor na umalis saglit nang makabalik kami.

"What are you? A grade school? Just stop it, will you?" Si Meriah iyon at bakas sa mukha niya ang pagkairita. Sa tabi niya ay si Leslie na nakahawak naman sa kaniyang braso. Nakaupo sila ngunit ang lingon ay nasa likuran, sa isang grupo ng mga babae.

"Ano'ng nangyayari?" isinatinig ni Jef ang tanong din sa aking isipan. Ginagamit niya ang karapatan niyang alamin ang nangyayari bilang isang presidente.

"Nagkakatuwaan lang kami, Jef. Hindi naman sadya ang pagkakatama ng papel kay Meriah," paliwanag ng kaklase.

"Hindi raw sadya? Sino'ng niloloko mo rito?" maliit man ang boses ay malakas ang loob ni Leslie. "Lagpas tatlong beses may lumipad na bolang papel dito at tumama sa'min tapos hindi sadya?"

"Teka, huminahon kayo. Pag-usapan natin 'to nang maayos," ani Jef.

"Nagkakatuwaan lang naman kami. Bintangera lang masyado 'yang Meriah na 'yan. Hindi namin sinadya iyon."

Hindi kumibo si Meriah ngunit halata ang pagtitimpi nito.

Ang kaibigan nito ang nagsalita. "Alam niyo at hindi kayo tumigil, hindi sadya? Walang sorry, hindi sadya? Aba naman pala kung gano'n," nawawalan ng pasensya nitong sabi.

"Kung hindi talaga sadya, magsorry na, pupwede ba 'yon?" ani Jef na tinatapos na ang argumento sa pagitan ng dalawa.

"Fine! We're sorry! Okay na?"

"Tss," umikot ang mata ni Meriah habang inaayos ang pagkakaupo. Bakas sa mukha ang hindi pagtanggap sa narinig.

Kahapon nang muli siyang bumalik sa klase ay kita sa mukha ng mga kaklase na hindi nila inaasahan ang pagpasok nito. Tulad ngayon, may mga insidente pa rin tulad ng kaniyang pagkakatalisod o pagkakatulak. Sa pagkakataong ito, nararamdaman ko na sinasadya talaga ito. Tulad ng siguradong nararamdaman ni Meriah, matinding inis din ang bumabalot sa'kin tuwing may nangyayaring ganoon at sumosobra pa ang aking inis na nararamdaman sa pag-iisip na wala akong magawa.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now