Ika-dalawampu't pito

62 3 0
                                    

"Halos palitan mo na 'yong araw dahil sa liwanag ng mukha mo, Kuya," puna ni Jane habang nakatitig sa akin. "Ang aliwalas, e. Ano'ng mayro'n?"

"Tigilan mo 'yang pagtingin-tingin mo sa'kin. Matalisod ka r'yan, ako na naman ang sisisihin mo." Maaga kami ngayon kaya napagpasyahan naming maglakad papasok sa ABU.

Maghahating-gabi man nang pumikit, naging maganda at mahimbing pa rin ang naging pagtulog ko. Maaga pa ngang nagising. Pakiramdam ko lang ay gusto ko nang pumasok at sulitin ang mga huling araw bago mag-semestral break.

"Bakit nga, Kuya? 'To naman, 'di na nga kita nakakakwentuhan, e."

"Wala nga. Siguro dahil lang patapos na ang sem at wala na masyadong ginagawa."

"Akala ko dahil sa reply ni Ate Meriah, e..." Kunot-noo kong binalingan si Jane. "Sure, I'd like to... with a smiley pa!"

"Anong... Pa'no mo– pinapakialaman mo ba ang cellphone ko?" 'Di ko malaman kung ano ang dapat itanong.

Sumilay na ang ngisi kay Jane.

"Hindi, ah. Hating-gabi na kasi, 'di ko alam kung tama 'yong sagot ko ro'n sa equation sa assignment ko... ipapakita ko sana sa'yo. Kumatok ako, 'di ka sumagot kaya sumilip ako kung tulog ka na nga. Nakita ko, naka-ilaw cellphone mo habang hawak mo kaya nilapitan kita. Tapos nakapikit ka na. Kaya ini-off ko 'yong cellphone mo..." inosente niyang paliwanag.

"At binasa mo..." pagpapatuloy ko sa sinabi niya.

"Hindi, 'no! FYI, Kuya... magkaiba ang binasa sa nabasa lang."

Sa huli, pinili ko na lamang tumingin sa harapan at tigilan na ang pang-aakusa kahit na pakiramdam ko nabasa pa niya ang iba kong sent messages kay Meriah.

"Natapos mo ba'ng assignment mo?"

"Ako pa ba?"

Napasulyap ako sa kaniya.

"Buti natapos mo?"

"Nagpatulong ako sa kaklase ko."

"Sino namang kaklase 'yan na nagpaabala sa'yo nang gano'ng oras? Hating-gabi, tinulungan ka sa assignment? Lalaki?"

"Kaklase ko lang, Kuya!" depensa niya. "Buti nga hinintay ako, e..." bulong-bulong pa niya.

"Jane, ha, sinasabi ko sa'yo, wala munang ligaw-ligaw. Maliligaw ka lang ng landas, kaybata-bata mo pa," paalala ko.

"Napunta naman sa ligaw, Kuya?"

"'Yang hintay-hintay na 'yan, pupwedeng mauwi sa ligaw-ligaw 'yan. Makikinig ka sa'kin."

"Pa'no mo naman nasabi? Bakit, Kuya, may hinihintay ka na ba?"

"Aba't ibabaling mo pa sa'kin ang usapan? Sumunod ka na lang," iritado ko nang sambit, tinatapos ang usapan.

Maghihintay ba ako? Dapat ko bang hintayin? May... may pag-asa ba? Tama ba'ng isipin ang mga 'to ngayon?

Malayo man sa tarangkahan, nasa tapat na kami ng unibersidad nang masalubong namin si Kuya Lando na siya namang nagmamaneho ng sasakyan galing sa parking lot.

"Jane!"

"Uy, Kuya Lando! Hello po!" Napahinto siya gilid ng daan.

"Kailan ba ulit kayo magagawi sa bayan at nang umingay ulit sa bahay?" nasasabik na tanong ni Kuya Lando bago haplusin sa ulunan si Jane.

"Nako, mukhang malabo pa ho 'yan dahil patapos na ang klase," ako ang sumagot. "Kaya wala pa hong dahilan para madaan sa bayan," kaswal ko pang sinabi. Totoo naman.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon