Ika-dalawampu't siyam

50 4 0
                                    

Tila hangganan ng kahel na langit ang naglalakihang gusali at iba pang imprastraktura kung saan naroon ang aking titig. Ang kulay ng kalangitan na nag-aagaw-dilim ay tila mo ba nakikisimpatya sa akin. Ang hatid nitong pakiramdam ay hindi nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon.

Umayos ako sa aking kinauupuan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. Hindi ko mapigilan...

Ngayon ko naramdaman ang pagod ngayong nasa biyahe na ako pabalik sa probinsya. Kanina'y tiniyak ko nang aabutin ako ng dilim sa daan dahil alas singko na nang mapagpasyahang kong umalis sa harap ng CMU.

Sinubukan ko lang naman...

Nakapanghihinayang pero sapat na sa akin na makita siyang maayos. Bago ako sumuko sa paghihintay na matapos ang klase niya, hiniling kong kahit saglit, sana ay napunasan ko ang pawis sa kaniyang noo o naisilong man lang siya sa dala kong payong. Nagtataka man kung bakit siya lumabas mag-isa at bumili ng maraming pagkain, nagpapasalamat pa rin ako dahil kumakain siya sa tamang oras. Sa tingin ko rin ay nakakasabay niyang kumain ang kaibigan niya. Sapat na sa akin iyon.

Maging maayos at masaya siya lagi–iyan ang tangi kong hinihiling nang matanggap ko na wala na siya sa probinsya. Nakita ko naman na maayos siya. Ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng pagkapanatag. Masyado yata akong umasa na magtatagpo at makapag-uusap kami ngayon.

"Bakit gising ka pa?" Sinalubong ako ni Jane sa pintuan nang dumating ako.

"Grabe ka naman, Kuya! Alas nuebe pa lang naman!" Kinuha niya ang dala kong gamit nang magtanggal ako ng sapatos. "Kumain ka na? Ano, kumusta interview?"

Dumiretso ako sa kusina.

"Sa susunod na linggo ang umpisa ko. Sa mga araw na wala akong klase." Nang sabihin ko kaninang si Mr. Buenavidez mismo ang nagrefer sa akin, hindi ko na kinailangan pang dumaan sa mga interview. Binigyan na rin agad ako ng petsa kung kailan ako mag-uumpisa. Tila ba preparado na ang lahat para sa akin. Si Mr. Buenavidez talaga... Akala ko ay basta inalok niya lang iyon sa akin. Akala ko ay hindi seryoso.

Kumuha ako ng tubig sa ref. Niluwagan ko ang kurbatang suot habang umiinom.

"'Di ka ba kakain?" tanong ni Jane, nakasunod pala sa akin.

"'Di na." Ibinaba ko ang baso at itinukod ang aking mga kamay sa mesa bilang suporta sa aking bigat. "May pasalubong pala ako sa'yong pagkain. 'Yang nasa supot."

"Napansin ko nga... pero mas napansin ko 'yang pagiging tahimik mo." Mula sa bahagyang pagkakakunot ng aking noo ay napaangat ang aking kilay dahil sa sinabi niya.

"Kailan ba ako naging maingay tulad mo?" sinadya ko siyang asarin para hindi na siya mag-isip ng kung ano.

"Iba kasi..." Aba, hindi naasar? "Iba ngayon, e. Ang awkward sa'kin ng pagiging tahimik mo... ilang araw na. Isang linggo na nga yata."

"May gano'n pang nalalaman..." Ginulo ko ang kaniyang buhok. Inayos naman niya iyon pero hindi siya nagreklamo. "Matulog ka na. Matutulog na rin ako." Kinuha ko na sa kaniya ang gamit ko at dumiretso na sa aking kuwarto.

Nang mailagay sa mesa ang gamit, tinanggal ko ang polong suot at sando. Napadapa na lamang ako sa aking higaan.

Ramdam na ramdam ko ang pagod, pisikal at mental. Gusto ko na lamang lamunin ng higaan sa gabing ito.

Pasado alas nuebe na nang magising ako kinabukasan. Hawak ang mainit na kape papunta sa terrace, ngayon ko napagtantong mag-isa lamang ako ngayon dito sa bahay.

Nakaka-walang gana pero kailangang magpatuloy...

Minabuti ko na lamang pumunta sa pamilihan. Dalawang klase ng longsleeve at kurbata para sa OJT ang aking binili. Nagpagupit din ako bilang paghahanda sa aking unang araw sa kumpanya ng mga Buenavidez sa Lunes. Bagaman ay Martes, Huwebes at Sabado ang aking mga klase... Lunes, Miyerkules at Biyernes naman ang magiging training ko sa syudad. Nakakapagod man bumiyahe nang halos magkakasunod na araw, bawi naman dahil sa kaalamang sa iisang kumpanya lamang kami magsasagawa ng training ni Meriah.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon