Ika-dalawampu't anim

62 4 0
                                    

Sa tambayan namin naisip mamalagi ni Meriah nang matapos kaming i-defend ang research paper namin. Maganda ang naging presentasyon namin, ang ngiti at satisfied na mukha ng mga panel ang nagpatunay doon. Ngayon, hinihintay kong matapos sina Jef habang si Meriah naman ay hinihintay si Kuya Lando.

"Whoo!" Si Meriah 'yan nang pabagsak siyang naupo.

Pinigilan kong mapangiti. Nagiging kumportable siya, ah?

Ayos lang naman. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon na lang ang kaniyang naging ekpresyon. Aniya, natapos na raw kasi ang paghihirap namin.

Naghirap ba talaga kami? Parang hindi naman...

Bukod doon, napansin kong maganda talaga ang kundisyon niya kumpara noong mga nakaraang araw. Mabuti naman... Sana magtuluy-tuloy na.

Tinatanggal ni Meriah ang suot niyang pangcorporate blazer nang magsalita ako.

"Dalawang exam na lang ang iintindihin natin ngayong linggong 'to at opisyal ng tapos ang sem na 'to," napapanatag kong sinabi habang isinisilid sa backpack ang kopya ko ng aming research paper.

Napansin kong natigilan si Meriah sa ginagawa. Nang sulyapan ko naman ay bigla siyang nagpatuloy ngunit kapansin-pansin na parang may iniisip na siyang malalim.

"Nasaan pala si Leslie?" tanong ko, makapagbukas lang ng usapan.

Namangha naman ako nang bigla siyang magtaas ng isang kilay sa akin. Oh, teka...

"Why do you ask?" Sandali nga lang. Bakit parang bigla-bigla siyang... nagsusungit?

"Ah, ano... wala lang. Hindi ko lang kasi siya nakitang nakasama mo ngayon."

"Oh," aniya naman na parang natauhan sa kung ano.

Ano raw? Ano ba'ng nangyayari? Ano ba'ng... iniisip niya?

Natahimik kami.

Nagsusungit na ulit siya tulad noong pagtatagpo namin sa CMU noon. Mukhang nagiging kumportable talaga siya... Hindi ko mapigilang mamangha. Parang kinikiliti ang kalamnan ko.

Ang corny, hayop... pero totoo.

Maya-maya pa'y bigla siyang nagsalita. Akala ko... Iba pala ang kausap niya.

"We're done!" maligaya niyang sinabi sa kausap sa cellphone. Ipinatong niya at isinandal ang kaniyang cellphone sa bote ng tubig sa mesa. Nakaharap ito sa kaniya, video call yata.

"Congrats! How was it?" Palagay ko ay ang kaibigan niyang si Chustine ang kausap niya.

"Just like how we practiced, of course, it was great! Iilan nga lang ang itinanong sa'min unlike sa ibang nauna sa'min. Right, James?" Halos mabigla pa ako nang balingan ako ni Meriah.

"Ah, oo."

"Kasama mo si James?" tanong nito na tila mo ba nakangisi base sa naging dating ng sinabi niya.

Hindi ko alam kung ano'ng intindihan ng dalawa sa tonong iyon ni Chustine pero sa halip na sumagot, pasimpleng pinandilatan ng mata ni Meriah ang kausap. Napasulyap siya sa akin at bigla naming narinig ang halakhak ng kaibigan niya.

Pinilit kong abalahin ang sarili sa paggamit ng cellphone pero hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila.

"Kailan ka ba ulit pupunta rito? Nabitin ako sa swimming natin last week."

Swimming? Nagswimming pala sila noong hindi pumasok si Meriah... Ano kaya ang sinuot niya? Hindi ba siya nabastos? Naroon si Chustine. Wala naman sigurong 'di magandang nangyari, ano?

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now