Espesyal na Kabanata

10 0 0
                                    

"Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.

Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.

Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.

Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.

"Mommy!" impit ang naging pagsigaw ni Meriah.

Saglit pa siyang napatitig sa kaniyang magulang sa kalayuan bago unti-unting napabalik sa kinauupuan. Walang kwenta ang pagtawag niya sa magulang mula sa loob ng saradong sasakyan. Kailangan niyang lumabas.

Nang bumaba si Meriah mula sa sasakyan, napitlag siya at sabay silang nagkatinginan ng kalabaw na noon pala ay nakatali sa isang puno hindi kalayuan sa sasakyan nila. Nagmadali siyang bumalik sa loob ng sasakyan.

"So scary..." bulong niya habang nakaluhod sa upuan at nakalapat ang mga palad sa salamin ng bintana habang tinatanaw ang kalabaw. "When did you get here though?" tanong niya sa kalabaw na hanggang ngayon ay nakatingin sa kaniya.

Napaatras siya nang humakbang papunta sa direksyon ng kanilang sasakyan ang kalabaw.

"Don't scare me!" sigaw niya sa nakataling hayop habang pinakikiramdaman ng isa niyang kamay ang kaniyang dibdib na matindi na ang kabog dahil sa nerbyos.

Sa halip ay nagpatuloy ang kalabaw sa paghakbang papunta sa kaniya, dahilan ng pagtili niya. Hindi niya napigilang mapaiyak.

"Daddy!" umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang matinis na sigaw ng bata.

Umatras pa siya nang umatras nang mas lumapit pa ang hayop sa kanilang sasakyan hanggang sa makalapit siya sa kabilang dulo ng upuan. Ikinabit niya ang seatbelt. Ang dahilan? Hindi rin niya alam. Marahil ay dala ng takot kaya iyon ang ginawa ng batang si Meriah.

"Halika rito!" sigaw ng isang batang lalaki kay Meriah na galing pa sa pagtakbo kasunod ang mga kalaro nito.

Nagtanggal naman agad ng seatbelt si Meriah at binuksan ang pinto.  Tumakbo ito papunta sa batang lalaki. Nagulat naman ito nang ipulupot ni Meriah ang magkabilang braso sa kaniya. Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan at hinayaan ang mahigpit na yakap ng batang babae– namamangha dahil sa sobrang takot nito sa mabait na hayop na naroon sa lugar.

"Ano raw ang nangyari, James?" tanong ng batang babae na kararating lang nang makitang may nakayakap sa batang lalaki na tinawag niyang James. Hinihingal pa ito dahil tumakbo rin nang maunang tumakbo si James. "Ayos lang ba siya?" tanong pa nito dahil hindi agad nakaimik ang batang kaibigan na si James.

Humiwalay si Meriah sa pagkakakayakap niya sa bata bago hinarap ang isa pang bata na nagtanong. "Do I look okay?!" nawawalan ng pasensya niyang tanong pabalik bago nagpunas ng sa luha sa mga mata.

Mukha namang nakabawi na si Meriah sa takot at sinilip ang kalabaw. Sinamaan niya ng tingin ang nananahimik na hayop dahil sa matinding inis at takot na naramdaman niya. Nang harapin niyang muli ang mga bata ay nabigla siya nang tela ang bumungad sa kaniyang mukha. Pinunasan ni James ang luha na halos matuyo na sa magkabilang pisngi niya gamit ang dulo ng kaniyang damit.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now