Ika-labing apat

55 10 0
                                    

"Suggestion nga iyon ni Chustine. Alam mo na, laking syudad kaya maraming alam na gano'ng lugar. Pero pinag-iisipan pa naman," paliwanag ni Levy.

Tutal ay nag-aaya naman daw ng hang out si Chustine, mabuting isabay na ang selebrasyon para sa tagumpay ng event.

"Titingnan ko pa kung may makakasama ang kapatid ko sa bahay sa gabing 'yon."

"Sige, isasali na kita sa group chat mamaya para alam mo 'yong mga napag-uusapan."

Palabas na kami ng unibersidad nina Jef, Nat at Andeng para umuwi nang makasalubong ko si Levy malapit sa gate. Agad niyang binuksan ang usapan tungkol sa selebrasyon kaya naman pinauna ko na ang tatlo dahil tatawid pa sila sa kabila ng kalsada upang mag-pa-print ng survey forms nila.

Tinapik ako ni Levy sa balikat nang matapos ang pag-uusap. Nang makalabas, sinipat ko ang tatlo mula sa pagitan ng mga nagdadaanang sasakyan at nakitang naroon pa sila. Maraming estudyante roon at nasa linya sila ng pila. Napagpasyahan kong samahan sila at para hintayin na rin si Jane.

Patawid na ako sa kalsada nang marinig ang pamilyar na boses sa aking gawing kanan, 'di kalayuan mula sa akin.

"I said my apologies and I mean it!"

Si Meriah iyon at kausap niya si Kelsey. Kahit nakatigilid, nakita kong kunot na ang kaniyang noo nang magsalita siya. Sa tono ng pananalita niya ay masasabi kong nawawalan na siya ng pasensya. May ibang estudyante na ring nakikiusyoso at napapatingin sa kanila.

Isinantabi ko ang naunang plano at umatras palayo sa kalsada, medyo gumilid papunta sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung kailan sila unang nagkausap o kung madalas ba silang mag-usap ngunit may pakiramdam akong hindi maayos ang mga pag-uusap na iyon.

Diretso ang tingin ko sa harap ngunit ang atensyon ko ay nasa kanilang pag-uusap, alerto sa kung ano'ng susunod na mangyayari.

"Sa tingin mo ba, maibabalik no'n 'yong sinabi mo noon? Alam mo..." Huminto si Kelsey kaya naman bahagya akong lumingon upang makita ang nangyayari. Mas malapit na ito kay Meriah ngayon. Mukha sa mukha, nagpatuloy ito sa kaniyang sinasabi. "Ang kapal ng mukha mong mag-aral dito. Bumalik ka na lang sa palasyo mo dahil kahit ano'ng gawin mo, mayroon pa ring hindi tatanggap sa'yo rito at nangunguna ako ro'n," patuloy ni Kelsey, kalmado ngunit may diin sa kaniyang bawat salita.

"I regret saying those things," pag-amin ni Meriah sa walang emosyong tono, tulad ng kaniyang mukha na walang kaemo-emosyon. "You think I will be here if I still loathe this school? I'm here. I'm studying." Huminto siya saglit at inayos ang pagkakasukbit ng bag pati na rin ang hawak na envelope na sa tingin ko ay ang survey forms namin. "If we're finish, I think I should get going," patuloy niya, tinatapos ang usapan.

Tinalikuran na niya si Kelsey ngunit marahas nitong hinila pabalik ang braso ni Meriah, dahilan upang mapaharap ito.

"Hindi pa tayo tapos," mariin nitong sinabi.

"Don't–."

"Aalis na siya," pagpasok ko sa kanilang usapan na siyang dahilan ng sabay nilang pagtingin sa aking presensya.

Banayad ang naging paghawak ko sa braso ni Meriah upang pakawalan iyon sa mahigpit na pwersa mula sa pagpigil ng nagngangalit na kausap. Nang sulyapan ko ang braso ay napansin ko ang bahagyang marka na naiwan, senyales na matindi ang naging paghawak doon ni Kelsey.

Iniwas iyon ni Meriah. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon ay mukha kaming may pinag-uusapan at nagkaintindihan.

"Ingat kayo ni Kuya Lando sa byahe," pagbasag ko sa katahimikan.

Bahagyang bumalik ang pagkalukot ng kaniyang noo, tila gustong magtanong ngunit pinigilan na ang sarili.

"Salamat," aniya sa mababang boses at muli pang sinulyapan ang kaklaseng babae bago tinungo ang  kaniyang daan papunta sa parking lot.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now