Ika-labing anim

58 9 0
                                    

"Fine." Lilingunin ko sana ang nagsalitang si Meriah ngunit nilagpasan na ako nito.

Napatitig na lamang ako sa palayo niyang likod, hindi buo sa loob kung ano ang dapat gawin.

"Oh–," hindi naituloy ni Jef ang anumang sasabihin nang lagpasan din sila ni Meriah. "Ano'ng nangyari?" baling nito sa'kin, ilang hakbang pa upang marating ko ang distansya sa pagitan namin.

"Lumalabas na ang totoong ugali," sa halip ay si Andeng ang sumagot na siya kong nilingon.

Nag-iwas ito ng tingin nang makitang wala ako sa kondisyon para sa mga ganoong linya nila.

Sa klase ay patuloy na naging okupado ang aking isipan. Hindi ako mapakali dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan.

"Siya? Walang kwenta? Iyon ba ang naging dating sa kaniya ng aking ginawa?" paulit-ulit kong tanong sa isipan.

Nang dahil sa namumuong pakiramdam ko para sa kaniya, kaakibat naman iyon ng pagkasira ng namumuong pagkakaibigan namin. Ano ba'ng dapat kong gawin? Hindi ba tama ang ginagawa kong pagdistansya sa kaniya?

Lumipas pa ang ilang araw na wala kaming pag-uusap. Ang una at huling beses lang naming pag-uusap ay ang tungkol sa pagpapapasa niya ng kopya ng buong research paper namin. Marahil ay tutuparin pa rin ang sinabing pag-print sa mga iyon.

"Send me our research paper," utos niya isang hapon matapos ang aming panghuling klase.

"Ipi-print mo na ba?" tanong ko.

Tumango lang ito. Kumuha naman ako ng pera sa aking pitaka. Hindi ko na binilang ngunit alam kong lagpas dalawang daan ang aking nakuha. Bahagya kong inilapit sa kaniya ang aking kamay, iyong siguradong makikita niya ang hawak na pera.

"Heto ang parte ko sa print," sambit ko at mataman siyang tiningnan.

Sinulyapan niya lang iyon at nag-angat ng tingin sa akin. Nakakunot na ang noo na tila ba may mali sa aking sinabi. Mas inilapit ko pa sa kaniya ang aking kamay, inaabot ang pera.

"No need," matipid niyang tugon bago kuhanin ang earphones sa kaniyang bag.

Napabuntong hininga ako bago isauli ang pera sa pitaka. Saglit akong umubo nang mahina upang paghahanda sa susunod na sasabihin.

"Ah, kung may idadagdag ka pa roon ilagay mo lang," patuloy ko, kinukuha na ang mga survey forms sa aking backpack upang ibigay sa kaniya.

Nang ilapit sa kaniya ang folder na naglalaman ng mga iyon ay mabilis niyang kinuha ito mula sa aking pagkakahawak.

"Sure," aniya ngunit hindi ako kumbinsido dahil iyon na ang huli naming pag-uusap.

Nagdaan pa ang ilang araw hanggang sa umabot ang isang linggo na hindi kami nag-uusap. Siya ay ganoon pa rin, nakikihalubilo sa klase at nagsasalita kapag kailangan. Habang ako ay magulo na ang isipan sa kung ano ang mas dapat kong gawin. Kung dapat ko bang itulak ang sarili na maging kaswal sa harap niya o ang iligtas ang sarili mula sa hindi nararapat na nararamdaman.

"Paano naman kaya kami nito magkakasundo para sa defense namin?" halos matawa ako sa naisip.

Talagang inintindi ko pa iyon. Alam kong mahalaga pa rin iyon sa sitwasyon namin ngayon.

"Sigurado ka ba? Ayaw mo kaming samahan?" tanong ni Jef sa akin isang umaga habang nasa tambayan kami. Huling tanong bago sila magtungo sa syudad para sa kailangang tarpaulin.

Kaswal ang suot nito–polo at pantalon. Hindi sila makakapasok sa klase dahil sa mahalagang aasikasuhin.

"Kaya niyo na 'yan," sa halip ay tugon ko, hindi direktang sinagot ang tanong dahil kahit gustuhin ko man, alam kong hindi magiging maayos ang pakikisama namin sa isa't isa ng kasamang babae. Si Meriah. "Isama mo na lang ang treasurer, 'yon naman ang dapat mong kasama," suhestiyon ko.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now