Ika-siyam

64 14 0
                                    

Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba?

Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano?

"Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin.

Mula rito sa hapag-kainan ay dinig at tanaw ko siya. Umupo muna ako rito matapos maghugas ng mga pinagkainan.

"Pero ano'ng sinabi niya? Nagsasalita ba ako kanina? Narinig ba niya?" Halos pagpawisan ako sa mga katanungan sa isip.

Walang ekspresyon kong tiningnan ang kapatid. Napansin ko ang kakaibang pagtindig nito at ang pagturo ng kamay kung saan.

"Ano'ng ginagawa mo r'yan?" tanong ko kasabay ng paghila palayo-pabalik sa suot upang paraanan ng hangin ang suot na t-shirt.

"Practice lang. May role play kami, e."

Akala ko naman kung ano na. Nag-pa-practice pala ng role play ang loko.

"Bakit gan'yan ang tayo mo? Ano ba'ng role mo?"

"H'wag kang tatawa, ah? Lintik kasi, e. Gawin daw ba akong mandirigmang lalaki?!" Muntik na akong matawa pero hindi nagawa dahil sa naramdaman kani-kanina lang. "Grabe, mukha ba akong lalaki? Flat-chested ako pero sa ganda kong 'to? Ginawa akong lalaki at mandirigma pa?! Hay naku, Kuya! Ngayon lang ako nainggit sa role na puno!"

"Para ka kasing lalaki umasta kung minsan kaya siguro gano'n," nakangisi kong tugon. "Walang ka-effort-effort mong magagawa 'yang role mo," dagdag ko pa.

"Ma-effort pa rin kaya 'tong role ko. Sasakay pa nga ako sa pekeng kabayo, e. Naku naku, ayus-ayusin nila't h'wag nila akong tatawanan. Pahihirapan ko 'yong sasakyan kong kabayo-kuno na si Renzo, makikita nila. Siya 'yong nagpush sa'kin na ako ang ilagay sa role na 'yon, e!" Halos manggalaiti siya sa sinasabi. "Kung bakit ba naman kasi lalambot-lambot 'yong Renzo na 'yon. Sa lahat ng lalaki sa classroom siya pa ang isa sa napunta sa grupo namin! Nang hindi niya kayaning i-deliver nang maayos 'yong mga linya dapat ng mandirigma, aba'y sa'kin ibinigay ng leader namin ang role niya. Nahiya ako sa pagkalalaki niya, ah?" Tinawan ko lang ang kapatid sa mga kwento nito.

Mabuti na lamang ay mayroon akong kapatid. Kung hindi, malapit na akong takasan ng katinuan dito.

Nang matapos akong maligo ay umupo ako sa aking higaan. Sinuklay ko ang buhok gamit ang isang kamay upang patuyuin ito habang ginagamit naman ang cellphone sa kabilang kamay. Nakita ko ang notification ng reply ni Meriah.

James dela Vega
Ano'ng plano mo?

Meriah Buenavidez accepted your message request.

Meriah Buenavidez
Why?

Nagtipa ako ng reply at sinabing gusto ko lamang malaman kung ano'ng sinabi ng mga magulang niya at kung gusto niyang pumunta sa OSA para magpaliwanag o ibahagi ang iniisip niya ngayon o kung ano'ng hakbang ang gagawin niya patungkol doon. Binasa ko pa nang ilang ulit ang tinipa sa screen.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang