Ika-labing lima

54 8 0
                                    

"Salamat po," pasasalamat ko sa librarian nang matapos ako sa pagsasagawa ng survey sa library.

Apat na oras akong naglagi sa library sa pagpapasagot ng survey forms sa mga estudyanteng nagdadatingan. Ang payo ni Meriah ay kahit ibang kurso, basta pumapasok sa klase ng business management, maaari kong pasagutan. Naisip kong tama naman siya kaya ginawa ko. Mabuti ay natapos ko iyon sa isang hapon nang maaga kaming natapos sa klase.

Nang sumunod na araw ay napagpasyahan namin ni Meriah na roon gawin sa aming tambayan ang pag-ta-tally ng resulta sa isinagawang survey.

"Hindi ko nakikita si Leslie," pagbubukas ko ng kaswal na usapan.

"Business trip," tipid niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin.

Marahan ang tipid kong pagtango nang sulyapan ko siya dahil akala ko ay hindi na niya dudugtungan pa ang kaniyang sinabi. "Her mother introduced her to the world of business," tulad ko ay kaswal lang din ang bawat salita niya, hindi pa rin tumitingin sa akin dahil abala sa pagbibilang ng sagot sa survey form na hawak.

Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang insidente sa pagitan ni Kelsey at Meriah sa labas ng ABU. Hindi pa muling nabubuksan ang usaping iyon kahit na may mga mumunti kaming usapan tungkol sa research paper namin. Maging ang tungkol sa selebrasyon ay wala pang balita.

"Ikaw ba?" wala sa isip kong tanong.

"Huh?" lito nitong tanong, sa wakas ay nag-angat ng paningin.

"Kailan ka nagkaroon ng interes sa business o sa negosyo niyo?"

Hindi ko ugaling magtanong tungkol sa pribadong buhay ng nasa paligid ko. Hindi ko rin alam kung ayos lang ba sa kaniya na nagtatanong ako tungkol sa buhay niya. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Nais ko lang sigurong marinig ang boses niya sa ganitong sitwasyon na kami lang dalawa ang magkasama.

"I don't remember actually," aniya nang matapos sa pag-alala. "One day, Dad brought me to our farm which went out wrong. It was a long story. The highlight was that I cried hard because I was scared of carabao. The reason why I never go back to the farm until last month," napangiti siya sa alaala. Alaala kung saan naroon din ako.

Napapatitig siya sa kawalan nang may multo ng ngiti sa labi, hawak pa rin ang panulat at papel. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kinuwento niyang pangyayari pero pinigilan ko ang sarili.

"I started asking my parents about our business when I was in grade school. Out of curiosity, I guess. I barely remember," nagkibit-balikat siya sa huling sinabi. "We also went to parties with lots of businessmen," patuloy niya, lumilibot ang mata sa kawalan, tila inaalala ang bawat detalye. "I was in high school when my parents started bringing me to their meetings and business trips. Maybe I'm advanced and seemed so interested that's why they actually never asked me to learn those."

Namangha ako sa natural niyang pagkagusto at pagkatuto sa mundo ng pagnenegosyo. Maging sa kahabaan ng paliwanag niya sa simple kong tanong. Marahil ay natural sa kaniya ang magpaliwanag ng ganoon dahil tungkol sa kagustuhan niya ang pinag-uusapan.

"Talagang gusto mo, ano?" buong atensyon ko ay nasa kaniya na.

Ngumiti ito at sumagot.

"I don't really know that I fell in love with it until I came to the point that I had to decide what to take up for college. I pursued for it, you see. That's love," pinigilan niya ang paghagikgik sana.

"Tama 'yan..." Ramdam ko ang hindi mapigilang pagtaas ng sulok ng aking labi, paniguradong  sumisilay ang ngiti kaya itinuon ko na ang paningin sa papel na hawak.

Ganoon siyang magmahal.

Nag-umpisa kaming bumalik muli sa ginagawa nang magtanong naman siya.

"What about you? You want to manage a business or something?" Nagtagal ang mapagtanong niyang mata sa akin.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang