Ika-labing isa

57 12 0
                                    

Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito.

"Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan.

"Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.

Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?

Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo sa sinasabi ng mga council. Ayon kay Leslie, bigla itong nagpaalam sa kaniya at may tutulungan daw. Ang mga council ba ang tutulungan niya? Ano naman ang posibleng maitutulong niya kung ganoon nga?

Sinulyapan ko ang parking lot pero walang Meriah doon o kahit ang sasakyan nila o ang council kaya naman lumabas ako. Napakunot ang aking noo nang maabutang sumakay ang tatlong council at si Meriah sa sasakyan nila. Agad akong sumakay sa unang tricycle na nakaparada sa toda.

"Manong, pakibilisan po. Pakisundan ho iyong sasakyan na 'yon." Itinuro ko ang tinutukoy na sasakyan na may kabilisan ang patakbo.

Sumakay at pinaandar agad ng driver ang sinasakyan.

"Mukhang nagmamadali ka, hijo. Kumapit ka't aabutan natin 'yang susundan natin," aniya.

Hindi ko sinunod ang kaniyang sinabi ngunit hinanda ko ang sarili at naging alerto. Hindi ko inalis ang tingin sa sasakyan.

Mukhang seryoso ang pagtulong niya kung kaya't kinailangan pa nilang sumakay sa sasakyan nila. Ang mga council pa lamang yata ang napaunlakan niya sa pagsakay sa sasakyan nila. Kahit si Leslie ay hindi ko pa nakitang sumakay doon. Pagkakaalam ko'y may naghahatid at sumusundo ring sasakyan sa kaniya.

"Pero dapat ako ang una kung hindi lang dumating si Chustine noon," paghayag ko ng katotohanan sa sarili.

Hinanda ko ang aking pitaka, kasabay noon ay ang unti-unting pagiging pamilyar ng aming dinadaanan.

"Pupunta sila sa bahay ni Meriah?" Binagabag ako ng mga naiisip. "Malalapit ba sila sa isa't isa para isama niya ang mga iyon? Pero nakapunta na ako roon dahil partner kami sa research paper. Malapit na rin ba kami kung gano'n?" Napailing ako at ikinalma ang isipan.

Alam kong hindi ko na dapat iniisip pa ang mga gano'ng bagay, hindi ko lang talaga mapigilan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa bagay na iyon pagdating kay Meriah. Pakiramdam ko'y nanghihimasok ako kahit na inaalala ko lang siya.

Hindi nga ako nagkamali. May kalayuan ma'y nakita kong huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Meriah. Hindi ito ipinasok sa garahe kaya nakita ko rin ang kanilang pagbaba mula roon. Nakapasok na sila sa bahay nang marating ng tricycle ang likod ng sasakyan nina Meriah. Halos umabot sa isang-daan ang ibinayad ko dahil hindi ko man sinabi, inisip na ng driver na arkilado ko itong tricycle dahil may pinasundan pa ako.

"Oh, James!" bungad ni Kuya Lando nang matanaw ako mula sa harap ng sasakyan.

"Magandang hapon po," bati ko.

Binalewala nito ang bati ko dahil sa gulat.

"Hindi ka pa nasabay sa amin! Kasama ka ba dapat sa kanila?"

"Ah–." Hindi maamin ang isasagot, wala sa isip ko ang paghimas ng batok. "Hindi po," tuluyan kong nasabi.

"Hindi?" Bakas na sa mukha niya ang pagtataka sa pagparito ko.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now