Ika-labing pito

66 5 0
                                    

Nag-alok kami ng tulong kay Manang Tasing sa kaniyang pagluluto ngunit tinanggihan niya kami. Sabi niya ay mas mapapadali kung siya na ang gagawa lahat. Kaya heto kami ngayon sa sala, dinadaldal ni Jane si Meriah.

"Ngayon lang talaga kita nakita, Ate Meriah."

Nakaupo ako sa dulong bahagi ng sofa habang ang kapatid ay sa kabilang dulong bahagi nito, malapit kay Meriah na nakaupo sa pang-isahang upuan na sofa.

"I was enrolled on the third week of June," tugon ni Meriah. "I'm just a new student."

Inabot ko ang basong may lamang juice sa lamesita upang inumin habang nakikinig sa kanila.

"Oh, kaya pala," tumatangong sabi ni Jane bago iniba ang usapan. "Parang hindi naman pang-public school ang beauty mo, Ate."

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ng kapatid.

"Really?" May multo na ng ngiti sa labi ni Meriah nang sulyapan ko ito. "Well, I was really studying in CMU before. Shit happened that's why I had to study in ABU."

"A-ah..."

Nabigla kami ni Jane sa paraan ng kaniyang pagpapaliwanag. Siguro'y naging halata sa mukha ni Jane ang gulat kung kaya napagtanto ni Meriah ang kaniyang sinabi.

"Oh!" bulalas niya. "Sorry, sorry... Oh, gosh. My mouth!" Hindi niya alam kung kanino unang titingin o kung saan, tila natataranta. Bakas na sa kaniyang mukha ang pagkapahiya nang muli itong tumingin sa amin. "Sorry talaga... You know, I wasn't the goody good type of girl." Hinilot nito ang kaniyang sentido at napapikit. "Kasisimba lang, my God!" bulong pa niya sa sarili.

"Ayos lang," nagawa kong sabihin, dahilan kung bakit natigilan siya at napamulat ang matang diretso agad ang tingin sa akin.

Maging si Jane ay napalingon sa akin.

Tama... Ayos lang dahil sa ganoong pananalita siya nasanay. Wala naman siyang masamang ibig sabihin doon. Natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong nagpapakatotoo siya sa mga oras na ito at naging kumportable sa pagkukwento. Sana lang ay sanay kami sa ganoon ngunit hindi. Huwag na lang sana niyang ulitin ang ganoon kung ganitong may nakaharap na bata.

"May kabuluhan ba itong iniisip ko?" Napabuga ako ng hininga bago inilapit ang baso sa bibig upang uminom, iwinawaksi ang mga naiisip.

"Move on na nga!" ani Jane, tinatanggal ang pagiging hindi kumportable ng bawat isa. "Alam mo, 'te, dream school ko ang CMU!"

Mabuti ay narito siya upang pagaanin ang mga bagay-bagay.

Parang may naramdaman akong pitik sa kung saang bahagi ng aking katawan, dahilan upang ako ay matauhan sa kung ano. Pero... ano iyon? Guni-guni ko lang ba?

Mabuti ay narito siya upang pagaanin ang mga bagay-bagay.

Oh... Tama ba 'yon?

Sandali nga lang... Parang alam ko na.

Halos mapangisi ako sa realisasyon.

Ang kapatid ko nga pala ang talagang naging dahilan kung bakit kami narito ngayon. Sabit lang ako. Ayos.

"Dapat ba akong magpasalamat kay Jane?" Hindi ko malaman kung nagiging sarkastiko ba ako sa aking sarili o tamang isipin na dapat nga akong magpasalamat kay Jane. "Pero sa ano namang dahilan? Sa pagkakapunta namin dito?" Hindi pa rin ako sigurado sa kung ano'ng iisipin.

Ang alam ko lang, delikado ito.

"Really?" banayad na tanong ni Meriah sa aking kapatid, nakabawi na sa pagkapahiyang naramdaman kanina. "It's great there, you know? You should pay a visit sometime. Just tell me when and I'll be your school tourguide," tipid ang ngiting sumilay sa kaniya sa huling sinabi bago ako sulyapan, ipinanghihingi ng permiso ang kaniyang paanyaya.

Patalsikin si Ms. Dayo!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن