Wakas

36 3 2
                                    

"Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.

Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.

Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.

Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman mo na hindi ko gusto ang mga nangyari tungkol sa pagpapatalsik sa'yo sa ABU... Maging si Jef at Nat. Si Andrea, bilang kaibigan niya ay gusto kong humingi ng kapatawaran sa nagawa niya. Alam kong hindi sapat iyon dahil siya mismo ang dapat lumapit sa'yo. At kung napapaisip ka, alam kong ayaw niya itong malaman mo pero totoong nagsisisi siya. Pinarurusahan niya ang sarili niya. Lumalayo siya sa amin, marami ang kinamuhian siya nang kumalat ang nangyari... Sana ay dumating ang araw na mapatawad mo siya at ang lahat ng nagkasala sa'yo. Sana ay maging magaang muli ang kalooban mo. Kung kaya ko lamang pawiin ang galit sa puso mo ay gagawin ko, ngunit malupit ang mundo, ayaw akong pahintulutang manatili sa tabi mo. Hiling ko lamang na bumalik ang sigla sa mga ngiti mo.

Muli, maligayang kaarawan sa'yo, Meriah. Hangad ko ang kaligayahan at lahat ng magagandang bagay na mapasa iyo.

- James dela Vega"

Unti-unting binaba ni Meriah ang sulat. She was touched by the letter she have read. Hindi niya binasa ang anumang online messages sa kaniya ni James noon at ngayong nagkaroon ng tyansang mabasa ang mensahe ng binata, naramdaman niya ang saya at lungkot. Alam niya sa sarili niya na unti-unti siyang napapanatag... at nagpapatawad. Napawi ang galit at sama ng loob na kaniyang dinadala araw-araw.

It was already two days mula nang tanggapin niya ang regalong kuwintas ni James na may kasamang sulat. Nalimutan na niya ang tungkol sa sulat na naiwan sa loob ng kahon nito at nakatabi lamang sa kaniyang cabinet dahil pinagmamasdan niya lamang ang kuwintas sa lahat ng libreng oras na mayroon siya. There's just something on its quarter moon pendant that makes her stare at it. It has three small diamonds on the upper part of the moon. She just feels special about the necklace to the point that she forgot about the letter while the necklace almost never leave her hand.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon