Ika-walo

58 14 0
                                    

Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah.

"Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan.

Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus.

Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan.

"Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nito. Si Meriah. "Salamat din." Napa-iwas agad ako ng tingin matapos sabihin iyon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang itanong kung kailan ang sunod na paggawa namin.

Muli akong napatingin nang magsalita siya.

"Yes, sure. No problem at all."

"Ano, James? Ready to go?" Isasabay ako ni Chustine hanggang sa kanto. Pauwi siya sa syudad at ako naman ay palabas dito sa bayan.

"Tara."

"Pa'no, Meriah? Aalis na ako. I'll visit again next time," ani Chustine at niyakap si Meriah.

"Do it often." Inirapan siya ni Meriah habang magkalapit at magkahawak pa. Sa pwesto nilang iyon ay mukha silang magkasintahan.

Humalakhak si Chustine.

"Miss mo na naman ako," pagbibiro nito, dahilan para bitawan siya ni Meriah.

"At least, ako, na-miss kita. But you? Gosh, ginawa mo lang pahingahan ang bahay ko," muling humalakhak ang kaniyang kaibigan sa sinabi niya.

"Hindi ko naman kasi alam na may gagawin pala kayo. I remember you said that you only have one class for this day. I'm planning to fetch you after your class para makapag-bonding sana tayo."

Oh, kasalanan ko pa pala? Naging hadlang pa ako.

"Hindi pa ba sila matatapos diyan?" iritado kong tanong na hindi maisatinig at hanggang isipan lamang.

"Oh, pa'no? Aalis na kami. Mukhang naiinip na si James, e." Bahagya itong natawa at lumapit sa akin.

Nilingon naman ako ni Meriah na parang nagulat pa. Nakalimutan yata ang presensya ko. Ayos. Sabi ko na nga ba, dapat nauna na ako.

"Let's go," aya niya sa akin.

Muli akong tumingin sa gawi ni Manang Tasing.

"Mauuna na ho kami." Tiningnan ko saglit si Meriah na nakatingin din sa akin bago sumunod sa kaibigan niya sa sasakyan.

"Ingat, p're," ani Chustine nang ihinto ang sasakyan sa kanto.

"Ingat din, salamat sa paghatid," tugon ko.

"Sige lang. Basta malapit kay Meriah, okay lang sa'kin," aniya habang bumaba ako sa kaniyang sasakyan.

Gusto ko sanang tumutol sa sinabi niya ngunit hindi ko na ginawa. Tinanguan ko siya bilang paalam. Sumakay naman agad ako sa tricycle na huminto malapit sa'kin nang bumaba ang pasahero mula roon.

Kinabukasan ay naging maayos ang gising ko, ngunit hindi ang pagpasok ko sa unibersidad–sa college department. Nagkakamali lang ba ako o talagang pinagtitinginan ako ng mga estudyante?

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now