Ika-labing siyam

37 5 0
                                    

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling uminom. Ang natatandaan ko lang ay nagsuka ako sa huling beses na uminom ako at naging dahilan iyon ng pagiging huli sa klase ni Jane noong sumunod na araw kaya simula noon ay iniwasan ko nang uminom. Sa ngayon, sinisigurado kong kontrolado ko ang aking sarili at pati na rin ang mga babaeng kasama sa mga oras na ito.

"It's been a long time since we last drink, right?" narinig kong kinausap ni Chustine si Meriah.

"Yeah, it was our Christmas party," sagot naman ni Meriah.

Nakatayo ang iba naming kasama habang nagkakantahan, marahil ay malalakas na ang loob dahil bahagya nang tinamaan mula sa iniinom. Kami lang ang natirang nakaupo nina Jef, Andeng, Chustine at Meriah. 'Di tulad ni Leslie at Nat, si Andeng at Meriah ay beer na rin ang iniinom. Nagpaubaya na sila sa dalawang babae na hindi sanay uminom ng beer at itinira na sa kanila ang kaunting cocktail na nasa tower.

Naramdaman ko ang paghilig ng ulo ni Andeng sa aking balikat.

"Akala ko ba'y kaya mo pa?" bigla kong natanong sa kaniya at nang sulyapan ko ang mata niya ay nakita kong nakapikit na ito.

"Oo nga... Nagpapahinga lang."

Nang mapalagay sa kaniyang sagot ay iniangat ko ang paningin sa nagkakasiyahan. Nabaling ko ang aking paningin kay Meriah nang maramdaman ang pagtitig niya sa amin.

"Is she okay?" tanong niya sa seryosong tono.

"Ah, oo. Nagpapahinga lang."

"Andeng, umayos ka ng upo," ani Jef at iniaayos ng upo ang kaibigan.

Nagmulat ng mata si Andeng at umayos ng upo bago kuhanin ang bote nito at sumandal. Halatang hilo na ito.

"Ayos lang ako," aniya.

"Huli mo na 'yan," sinabi ko sa kaniya sa mahinang boses, sakto lamang upang marinig niya.

Nagsalubong ang kilay nito sa hindi ko malamang dahilan.

"Chustine, matanong ko lang..." umpisa ni Jef. "Sino pala ang nag-asikaso nito? Ah, ano... ibig kong sabihin, kung magkano ang kailangan naming iambag dito?" tanong niya, marahil ay iniisip na isinama lang kami bigla rito at inaalala kung magkano ang ambagan sa pagbabayad.

Sa halip, si Meriah ang sumagot.

"No need, Jefferson. We got this," sinsero nitong sagot at tipid itong ngumiti.

"Naku naman, nakakahiya na masyado 'to, Meriah. Lagi mo na lang sinasagot ang lahat ng gastusin..."

"Magsabi kayo ng kung magkano para makapagbigay kami sa inyo," segunda ko.

"Hindi na talaga," sabi ni Chustine. "Kami na ang bahala. Ako naman ang nag-aya. May ipon talaga ako para rito, pero itong si Meriah, siya na ang sumagot ng room na 'to para may privacy tayo. Doon lang talaga tayo dapat sa ibaba," humalakhak ito sa pagtutukoy sa sayawan sa ibaba. "The best talaga 'tong kaibigan kong 'to!"

Hindi ko inasahan ang mahigpit na pag-akbay ni Chustine kay Meriah.

"Eww! Eww!" Pabiro naman itong itinulak ni Meriah habang natatawa.

Natawa rin ang iba. Ngunit hindi ako. Sa halip ay ininom ko ang aking alak.

Bumalik na rin sa upuan si Leslie at Nat na mukhang mas naging malapit sa isa't isa. Sa palagay ko ay nagkakasundo sila dahil sa pagkakapareho kung paano umasta.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Meriah?" tanong ni Jef bago uminom ngunit naiwan ang kaniyang mata sa dalawa.

"Boss ng Papa ko 'yong Daddy niya," sagot ni Chustine.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now