Ika-dalawampu't lima

56 3 0
                                    

"Yes... pumipito, ano'ng mayro'n?"

"Bakit? Masamang pumito?" tanong ko pabalik kay Jane habang hinuhugasan ang aming pinagkainan.

"Hindi naman. Mukha ka lang good mood." Tama naman...

Pinagpatuloy ko na lang ang naiisip na himig sa aking utak habang binabanlawan na ang mga kasangkapan.

"Mukha kang in love."

"Oh–!" Muli kong pinulot ang nalaglag na baso sa lababo. Sinipat ko ang baso. "Manahimik ka nga, Jane." Buti hindi nagkaroon ng lamat.

"Huli ka pero 'di ka kulong," natatawang pahayag ni Jane habang naririnig ko ang kaniyang yapak palayo.

Napailing na lang ako.

"Do you want to be my intern next semester?" Hindi ko lang talaga siguro makalimutan ang alok ni Mr. Buenavidez kaya maganda ang kondisyon ko ngayon. "Sabay na kayong magtraining ng anak ko sa kumpanya."

Tatanggihan ko sana dahil malaking kumpanya iyon at siguradong mahal ang bayad pero mukhang agad nabasa ni Mr. Buenavidez ang nasa utak ko. Inunahan na niya ako at sinabing walang dapat ikabahala sa pinansyal lalo na't alok niya iyon at dahil malapit ako sa anak niya. Tatanggihan ko pa rin sana dahil ayaw ko namang isipin nilang inaabuso ko ang kabaitan nila. Ngunit ang kaisipang makasama nang madalas si Meriah ay nanaig sa sistema ko.

"Ipagpapaalam ko po muna kay Mama," katagang magkukubli sa magiging sagot ko sa tanong niya.

Gusto ko pero nag-aalangan ako. Kailangan ko munang pag-isipan. Kailangan kong balansehin ang aking puso at utak. Mahirap na, hindi natin alam ang pupwedeng mangyari.

Huling pinairal ko ang utak ko, hindi ko rin kinaya. Sus... heto na naman tayo.

"Kinakabahan ako," ani Nat sa araw ng Lunes nang magtipon kami rito sa opisina ng aming organisasyon at mapag-usapan ang planong pakikipag-usap kay Meriah.

Umikot lamang ang mata ni Andeng sa kaniya habang humahalukipkip. Samantala, ikinuwento na rin ni Nat kay Jef ang mga nangyari dahil naguguluhan ito sa inaakto namin.

"Ang gago naman n'yan," reaksyon ni Jef bago tumayo sa kinauupuan. Aktong lalakad ito pero muling lumingon kina Andeng. "Bakit niyo ginawa 'yon? Bakit 'di ko alam 'to?" Nawawalan man ng pasensya, pinanatili nito ang kababaan sa boses.

"Syempre, tututol ka," tipid na sagot ni Andeng habang nakatitig sa kawalan, nananatiling nakahalukipkip.

Hindi ko lubos akalain na ganito katigas si Andeng.

"Alam niyo namang hindi nakakabuti ang lahat ng mga post ng Com. Arts!" bulalas ni Jef.

"Oo nga," tila ba nang-iinis na sagot ni Andeng.

"Kasi nga all this time, may gusto siya kay James kaya umabot sa puntong 'yon ang galit niya kay Meriah," si Nat.

Napayuko naman ako at napapikit ng mata, napabuntong hininga.

"Magtigil ka nga, Nat." Ngayon ay iritado na talaga si Andeng. "Magsorry na kung magso-sorry nang matapos na 'tong drama–"

Halos mapalundag ang dalawa nang magdulot ng malakas na ingay ang natumbang silya nang marahas akong tumayo. Tinungo ko ang maliit na distansya namin ni Andeng at nakulong siya sa kaniyang kinauupuan nang hawakan ko ang magkabilang pinagpapatungan ng kaniyang mga braso.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Andeng?" Ramdam ko ang pagtataas-baba ng aking dibdib dahil sa labis na nararamdaman. "Hindi ka naman gan'yan dati, ah? Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kaniyang mga mata na tila naghahanap ng sagot sa mga iyon.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon