Family Day

59.7K 1.1K 13
                                    

(Kabanata 47)

Zea POV

Since the day they knew each other, their bonding as father and son is inseparable. Nathaniel spoils his son in everything. Binibilhan ng kung anu-ano kahit hindi naman gamit o kailangan ng bata. Hinahayaan ko na lang dahil alam ko namang bumabawi lang siya sa anak. Kaya lang minsan sinasaway ko na dahil ayokong mamihasa si Nathan at maging maluho.

And about my family they already accepted Nathaniel. Humingi din naman ng tawad ang asawa ko. And they're all expecting na magiging okay kaming mag-asawa. Sana lang... Sana..

Dinala na ng asawa ko ang anak sa kanilang mansyon at naipakilala na ng maayos. The scene was emotional. Mainit naman ang pagtanggap ng pamilya sa akin. They all thought that were doing fine with my husband. Napag-alaman ko rin na nagkabalikan na si Ella at Yvo. They have two adorable kids, Yesha and Yullo. I found out na nabuntis na pala si Ella when she left. At nakagiliwan ng parents in law ko ang kanilang panganay na apo and as well as Nathan.

At ngayong araw ay naimbitahan kaming dumalo sa isang family day ng mga Zamora. They are doing this every Sunday. Ayoko namang tumanggi dahil hindi ko gustong isipin nila na ipinagkait ko ang anak sa kanila.

"Well, Zea kailan niyo balak lumipat sa mansyon niyo? Nagmistula din yong ghost house dahil sa ilang taong walang nanirahan dun."

Mom suggested us, pasulyap kong tiningnan si Nathaniel. Relax lamang itong kumakain. Nagkatinginan kami.

"Next day Mom. Nagpa-general cleaning pa kami sa buong bahay."

I choked of what he said. Gusto ko siyang batukan sa maling impormasyon. He handed me a glass of water at mabilisan kong nilagok ito. Palihim ko siyang inirapan. He just only smiled calmly.

Ella and Yvo were busy taking their foods and talking sweetly. They have their own world, halatang engrossed sa isa't-isa. And the kids were playing in their playroom with their nanies.

"Mabuti kong ganun."

Sabat ni Mommy.

The whole dining room filled with laughters and fussed with the loud voices. Talking and having time with them is one of the best wonderful moments.

"Mahilig ka din pala magluto."

Puna ni Ella sa akin habang naghahalo ng ingredients ng blue berry pancakes. Magkasama kami dito sa kusina. Mom and Dad playing with their grand children. Si Yvo at Nathaniel at nasa garden, masayang nag-uusap.

Ang kulang sa pamamahay na ito ay si Mica na nasa Paris presenting her fashion clothes, and Sev while in Brazil nanonood ng Football world cap together with his cousins.

Si Stacey ay nasa isang private mental institution. Sad for her. She needs a lot of therapy for her mental illness.

"Oo. Sinanay kasi ako ni Mommy. Besides being a mother kailangan din nating maging expert sa kusina."

Ngumiti ako nang sabihin yon. She's making pasta foods for the kids merienda. Busy din ito sa pagbabalot ng wrapper sa pinagahalo-halong Italian pasta.

"Tama ka dun. Ako nga nag-full time mother sa mga anak ko dahil ayokong lumaki sila sa kanilang mga yaya. You know I have business studio in Texas and New York."

Naikuwento na rin niya sa akin ang mga current business nito na isang matalik na kaibigan ang nagma-manage and his business partner. I adore her for being her, a mother and wife material and multi tasker talented entrepreneur.

"Ako din naman kahit busy sa mga pastries business, I always find time for my son."

And we shared a lot of topics. Napaka-idealistic niya ring babae. Kaya pala baliw na baliw ang asawa sa kanya. Adapted siya dati ng family Zamora but nagpa-adapt siya ulit sa ibang tao nang malaman niyang hindi siya gusto ng mga kapatid for some reasons. And when they grown up, they'll realize that she's a good one. Kaya nagkaayos ang lahat. The year na nagkabalikan sila ni Yvo, ay nakilala din niya ang totoong mga magulang. Her mother is the wife of one of the richest and influential man here and outside the country. Patay na rin daw ang kanyang ama hindi pa man siya naipapanganak.

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon