Husband and wife

54.2K 1.1K 15
                                    

(Kabanata 25)

Zea POV

Pumunta kami ng Batangas, sa rest house ng Zamora. Hindi na ako umalma at sumama na lang sa kanya. Tahimik lang ang buong byahe hangga't sa makarating kami sa sinasabi nilang resthouse.

Maganda ang view. Dahil parang highland yong area. And the beautiful garden sorrounded by different flowers. At antique yong may kalakihang bahay. Very homey at cozy at the same time. May mga vintage furnitures na gawa pa yata ng ilang centuries. But still looks matibay.

Umikot ang paningin ko sa buong sala. Very unique and beautiful.The long staircase made from hard woods. Its a combination of brown and gray colors. May mga portrait paintings pa na gawang Italy and Paris. And those expensive vases na nasa tabi ng bawat antigong mesa ay napakaaya-aya tingnan.

"Wow.."

Tangi kong nasabi.

May dumating na matanda at masayang masaya itong nakita si Jamie. Binati kami nito.

"Naku naparito ka't hindi man lang nagpasabi. Di sana'y nakapaghanda man lang ako ng mga pagkaing gusto mo."

Di magkaugaga nitong sabi. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I know na nagigiliwan siya sa itsura ko.

"Okay lang ho Nana Pasing. Hindi pa naman kami gutom. O nga pala, asawa ko, si Zea."

Nakangiting pakilala ng asawa ko sa kanya. Inakbayan ako nito, at gaya ng nakagawian nakikiliti na naman ako sa hatid ng sensasyong yon. Na-amazed ang matanda sa kakatitig sa akin. Ngumiti lamang ako.

"Kaygandang bata. Siya ba ang anak ni Senador Chiongbian?"

Agad nitong tanong. Kakatapos lang ng botohan and Dad won of those twelve senator.

"Opo."

Magalang kong sagot.

"Kaya pala. O siya at ipagluluto ko muna kayo. Anong gusto mo? Sinigang na hipon?"

Binalingan niya ang asawa ko. Tumango lang ito.

"Alam niyo po naman na isa yon sa mga paborito ko."

Pahabol nito sa matanda nang tumalikod na.

I never cook shrimp coz bawal sa akin yon. Namamaga ako pagkatapos kong kumain. Tapos namumula at nangangati pa. Kaya kahit masarap ang hipon hindi ko magagawang kainin. Pero its one of his favorite. Pwede kong lutuin para sa kanya.

"Come on let's go upstairs."

Kinuha niya ang hand carry bag na nakalapag sa sahig. Umakyat kami sa itaas. Kung gaano kaganda sa sala ay ganun din sa taas.

Pumasok kami sa iisang kwarto. Matutulog kami sa iisang kwarto? Parang hindi yata magandang ideya yon.

"Are we gonna share here? I mean dito ba tayo matutulog?"

Alanganin kong tanong. Tiningnan niya ako na parang nayayamot. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit nagkakaganito siya palage. Ang moody lang, daig pa ang buntis. Minsan ang sungit pa.

"What kind of question is that? Do you want Nana Pasing will know about our real situation? If course we will sleep together here."

Pamimilosopo niya saka nagwalk out. Naiwan akong natigilan. Sabagay, all of these are part of the drama. We have to pretend na okay kami, a happy couple and whatsoever. Minsan gusto kong mainis sa sarili dahil napakaengot ko para umasa.

Sinundan ko siya sa terasa.

"Alam mo ang suplado mo. Hindi kita maintindihan. Bakit ba ang bilis mong magalit?"

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon