KABANATA 2

82.7K 1.1K 22
                                    

KABANATA 2: FORGET AND LET GO

"Imagine sis, Yvo Zamora at Ella Smith engagement pala ito. Wow." Bulong ng kanyang kapatid habang nakaupo siya sa gilid na mesa, away from the crowd.

She is claustrophic kaya dito siya pinuwesto ng mga magulang instead of their reserved table. Magkatabi sila ni Trisha while their parents are busy having conversation sa mga kakilala nito sa business at pulitika sa ibang table.

"Which means, nandito si Jaime. Magkapatid sila diba? Gosh! What a coincidence!" Her eyes are full of excitement and happiness.

Sumikdo na naman ang pasaway niyang puso. Kelan pa kaya ito titigil sa kakatibok para sa lalaking may minamahal na iba? Every time she closes her eyes, ang mga mata nito ang nakikita niya. Every time she hears his name, lumalakas ang pintig ng puso niya. It's not fair na nakakaramdam siya ng ganito sa isang tao na ni katiting na pagtingin sa kanya ay wala, ni hindi nga siguro siya nito nakikilala.

"Ah ganon ba? Ahh.. okay." Tumango-tango siya while looking at the crowd, trying to look for him. Nagbabara ang lalamunan niya at halos hindi na siya makapagsalita. She tried not to show interest about the topic. But her sister's keeps talking about him.

"Wait lang sis hah? Hahanapin ko muna siya." Kalaunan ay sabi nito. Tumayo ito at nagmamadaling sumuot sa crowd.

She sighed. Yumuko siya at nag-uumpisa na naman ang nararamdaman niyang awa sa sarili. Hanggang kailan siya ganito?

"Hi."

Nag-angat siya ng mukha. Isang maaliwalas at nakangiting gwapo na mukha ang nasilayan niya sa harapan. He's in tweenties at halatang nabibilang sa mga alta siyudad na pamilya o angkan ang lalaking ito.

"Hello." Nahihiya niyang response.

"May nakaupo ba dito? Can I join you here?" Sabay turo sa bakanteng upuan na tapat niya.

"Hah? Wala naman. S-sige, upo ka lang." Tipid siyang ngumiti. Nahihiya siyang tumanggi kahit gusto niyang mapag-isa.

He sat down and shows the two deep dimples on his cheeks. Medyo naiilang siya dahil hindi niya alam kung paano ito i-intertain gayong wala pa naman siya sa mood ngayon.

"By the way, I'm Lucky Manza—"

"Manzano? Don't tell me sasabihin mo rin sa akin na anak ka ni Edu Manzano?" She continued with humor. Gusto niyang iwaksi sa isipan ang binata.

He stops for a while, frowning at nang magsink-in sa utak nito ang sinabi niya, he laughed wholeheartedly.

"I don't know na joker ka pala... Miss?" Litaw ang mapuputing ngipin nito na pwedeng pang-model ng toothpaste. Amuse na amuse itong nakatitig sa kanya.

"I'm Russ Chiongbian." Short for Russel, her second name. Her name Zea is for her family and friends only. Ganoon siya kapihikan when it comes to giving her name.

"Ah. You are the daughter of Governor Chiongbian." Anito na nakilala siya. Tumango-tango wari may naaalala tungkol sa pamilya niya.

"And how did you know that I'm his daughter?" To be honest, she's not a well-known daughter of her Dad. Si Tricia ang kilalang anak nito dahil minsan nagku-comercial model ang kapatid niya. Minsan gumagawa ng vlogs sa youtube.

"Of course I was invited in your eighteen candles, your debut. Hindi kasi tayo close noon kaya hindi tayo nagkakilala. Business partner din ang Daddy natin." Nakangiti nitong esplika.

"So close na tayo ngayon? Ganon ba?" Joke niya dahil mukhang mabait naman ito kausap. She just wanted to make this conversation lightly. He laughed again with humor.

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon