KABANATA 5

53.9K 983 17
                                    

CHAPTER 5: CONFRONTATION

"I saw you kissing Kuya Richie last night." She crossed her arms in front of her sister. Nakasandal siya sa dinding habang ang kapatid niya ay panay ang ayos sa mukha sa harap ng malaking salamin. Abala ito sa kolorete ng kanyang mukha. Acoording to her sister's aura and face expression, wala ito sa mood.

Bigla itong natigilan sa sinabi niya at agad itong tumingin sa kanyang gawi. Sinadya niyang bisitahin ang kapatid sa silid nito dahil minsan na lamang sila nagkikita sa bahay. Their parents are busy in election campaign. Abala din ito sa kanyang trabaho at minsan hindi pa umuuwi ng mansion. Siya naman ay abala sa pagiging taong bahay at freelancer editor.

Mabigat ito nagbuga ng hangin at ibinalik ang atensyon sa salamin, ipinagpatuloy ang paglalagay ng make-up.

"Ano bang ginagawa mo ate? Ikakasal ka na kay Jamie and yet nagagawa mo pang makipaghalikan sa ibang lalaki." May halong panunumbat niyang sabi. Kahit kapatid niya ito, ayaw din naman niyang tinotolerate ang maling gawain nito.

Tumaas ang kilay ni Trisha. She put a bitchy smile. "So? Ano ngayon? Ganyan ka na ba kadesperada para manmanan ako?" She mocked.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Ano bang pinagsasabi nito? Bakit naman niya manmanan ang mga ginawa ng kapatid niya? Saan nito kinukuha ang galit sa kanya?

"I saw you with him in Dream Coffee Shop. I was driving when I saw you there, with him. I wasn't stalking you. Nagkabalikan na ba kayo ni kuya Richie? Kaya mo ba gustong ikansela ang kasal niyo ni Jamie?" Sunod-sunod niyang tanong sa kapatid. Hindi niya alam kung ano ang struggles nito, kung kaya pa ayusin ang lahat, hangga't maaga pa ay sana maayos na.

She smiled wryly, "So kung nagkabalikan man kami, is that a big deal?"

She sighed with irritation. Her sister was being irrational. Anong pinagsasabi nitong so what kung nagkabalikan na ito sa kanyang ex-boyfriend? Napansin niya ang mga pagbabago nito lately. Trisha always treat her coldy like she did something wrong to her.

"You are cheating ate, my God! Hindi ba big deal 'yan para sayo? So ganoon na lang, pagsasabayin mo silang dalawa? Paano si Jamie? Paano na kayo? Ate, sinaktan ka na ni kuya Richie noon? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya?"

Hindi na niya naiintindihan kung ano talaga ang gusto ng kapatid niya. Hindi naman siya ganito noon. Jamie loves her tapos ito ang iginante ni Trisha. What it bothers her is ikakasal na ang dalawa and yet she cheats. Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari?

Trisha laughed like she does not care about everything. What was happen to her? Ano bang problema ng kapatid niya?

"Oh come on, Zea. Richie and I love each other. So we settled our misunderstanding and we are okay now. What is wrong with that? And about Jamie, tutal gusto mo naman siya, eh di sayo na lang. I will not be mad or get jelous kahit sulutin mo pa siya sa akin ngayon." Anito at hinablot ang purse at nagmamadaling lumabas ng silid.

Naiwan siyang napanganga sa sinabi nito. Pinaghalong inis at pagkalito ang kanyang nararamdaman ngayon. Naiinis siya dahil hindi niya naiintindihan ang inaasal nito—ang kagaspangan ng pagtrato nito sa kanya ngayon na para bang may kasalanan siya dito. Nalilito siya dahil hindi niya naiintindihan kung bakit biglang nagbabago ang mga desisyon nito. Alam naman niyang minahal talaga ng kapatid niya ang dating kasintahan nito. Pero ang lokohin si Jamie dahil lang sa okay na ang dalawa at sa kabila ng sakit at panloloko ng kuya Richie sa kanyang ate ay babalikan nito? And worst, pinagsabay pa nito ang dalawa.

'And about Jamie, tutal gusto mo naman siya, eh di sayo na lang. I will not be mad or get jelous kahit sulutin mo pa siya sa akin ngayon'

Sa sinabi nitong sulutin niya si Jamie? Bakit naman nasabi ang mga bagay na 'yon? Masyado na ba siyang naging transparent sa feelings niya kay Jamie?

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon