KABANATA 6

49.8K 920 16
                                    

KABANATA 6: THE CHAOS

Nagpalakad lakad siya sa kabuuan ng kwarto. Hindi na siya mapakali. This is the time na gagawin na nila ang plano ng kanyang nakatatandang kapatid. Nandito na rin ang kanilang mga magulang to witness the plans, sa paraang hindi malalaman ng mga ito ang totoong pangyayari. Honestly, she doesn't know how she will make it. She just wants to help her sister and to redirect Jamie's possible heartbreak sa gagawing ng kapatid niya. Pilit niyang isinaksak sa kanyang kukuti that it is for his own good, na ilayo ito sa cheating ng kapatid niya. And at the same time, she's helping her sister's situation.

She was shaking and nervous.

Nanalalamig na ang mga palad niya sa kaba at sa pinaghalo-halong emosyon. Takot. Pagkabahala. Kahihiyan. Panliliit. Jamie will surely hate her for this. But this is all she can do for him and for her sister.

She nibbled her lower lip. Naalala na naman niya ang nangyari noong nakaraang araw.

Flashback

Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan nang makarinig siya ng malakas na sigaw ng kanyany ama. She saw her Mom crying on her bare hands habang ang Daddy niya ay galit na nagpalakad-lakad sa sala.

"Dad, Mom? Anong nangyayari?" Agad niyang tanong nang makalapit sa mga ito.

Nag-angat ang Mommy Emily ng mukha. Basang basa ang pisngi nito sa luha. Sabog ang buhok at namamaga ang mga mata.Umiiyak itong nagpunas ng pisngi.

"Subukan niya lang magpakita! Papatayin ko ang lalaking 'yon!"

Lumingon siya sa galit niyang ama at napasuntok ito sa mesa na ikinagulat niya. Nagbabaga ang mukha nito sa galit. Mas lalo lamang siyang nagtaka. Ano bang nangyayari? Sino ba ang lalaking tinutukoy nito? Kinabahan siya sa mga pangyayari lately ng kanyang pamilya.

"Naglayas ang ate mo, Zea. Sumama siya kay Richie. Nagtanan silang dalawa. Iniwan na tayo ng kapatid mo, anak." Hagulhol ng kanilang ina. Agad niyang nilapitan ito at niyakap, hinimas ang likuran to comfort her.

She was expecting this. At heto siya ngayon gagawin ang planong napag-usapan nila ng kanyang kapatid. She was hoping she is going to do the right thing.

"It's okay, Mom. Babalik din ang ate." She said habang kayakap ang ina. Mariin siyang napapikit.

"Let's find your daughter. After one week kapag hindi natin siya nakita, makipag-usap tayo kay Lucas and Regina. This would cause the family for another heartbreak after Yvo's fiance left their son during the wedding." Frustrated na napahilamos ito sa mukha at nagbuga ng mabigat na hangin.

Nagmartsa palayo ang kanyang ama. Sinundan niya ito ng tingin at laglag ang mga balikat nitong umakyat sa hagdan. Inalo na lamang niya ang Mommy Emily. Yakap parin niya ang ina, trying to soothe her sadness and pain. Kahit medyo sanay na sila sa ginagawa ng kapatid niyang pagrerebelde ay hindi parin maiiwasan ang ganitong sitwasyon--ang sakit at pagkalito ng kanilang mga magulang sa kabila ng luho at pagmamahal na binibigay dito. At ito ang pinakamalalang pagsuway ang ginawa ng kapatid niya.

Kinabukasan, tumawag si Trisha to apologize for her dahil pati siya ay nadamay. Ibang contact number ginamit nito. Hindi na matawagan ito sa ginagamit nitong official contact number. Kasalukuyang pinapahanap ang kapatid niya ng kanyang ama.

Nagkausap sila at hindi ito uuwi hangga't mainit pa ang sitwasyon. Trisha suggested that it's better for her not to continue the plans. Ang pikutin si Jamie. Walang imik niyang pinatay ang tawag ng kapatid dahil naiinis siya sa pinanggagawa nito. Hindi niya magawang sumbatan o magalit dito dahil alam niyang nagdadalang-tao ito. She didn't want to disappoint her feelings dahil ayaw niyang maapektuhan ang bata. Her sister is expecting her sympathy dahil nalilito na ito sa mga desisyon sa buhay. And now siya ang naiipit sa sitwasyong ito.

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon