Chapter 1: Death Threat

23.8K 377 0
                                    

Tamad na tamad akong bumangon mula kama ko. Sh*t. Bakit ba kasi naimbento ang pag-aaral eh. Hays!

Nagtungo ako sa CR para umpisahang maligo. How I wish I've had enough time to use the bathub. Argh.

Pagkatapos ko maligo ay nag-toothbrush, nagbihis at kinuha na ang gamit ko para bumaba.

Hindi ko na kelangan pa magpaganda dahil maganda na ako. INBORN yun. Saka sa school ako pupunta hindi sa party o sa kung saan man. Pagbaba ko ng hagdan,

"Good Morning po Senyorita". Masiglang bati sa akin ni Abby. One of our maids. Matagal na sya dito. 2 yrs.na din syang naninilbihan sa pamilya namin.

Mabait kami sa pakikitungo sa kanila dahil pinagsisilbihan nila kami kahit di kami magkaano-ano.

"Good Morning din. Si Dad?" Hindi ko pa kasi nararamdaman ng radar ko ang daddy ko. Wala pa kasing nagpapatugtog ng lumaing tugtugin sa dining area.

"Andyan na po. Pupuntahan ko na po dapat kayo sa kwarto nyo dahil kanina nya pa po kayo hinihintay". Pagpapaliwanag nya sa akin.

"Alright. Pupuntahan ko na muna sya. Salamat." Pagtapos ko ng konbersasyon sa kanya. Agad akong pumunta sa dining area upang malaman kung bakit ako hinahanap ni Dad.

This is not usual kasi eh. Once in a blue moon lang ito mangyare. Yung hihintayin nya ako to say something. Kadalasan kase mag iiwan na lang sya ng note, tatawag or magtetext. Nag-uusap naman kami personally pero minsan lang mangyare because of hectic sched. If you're wondering where my mom is, well, she died 3yrs.ago. I just dont wanna talk about it cause it hurts me a lot.

Nadatnan ko syang nagbabasa ng newspaper. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Good Morning Dad." Bati ko.

"Same to you my princess. I just want to tell you something".

Seryosong sabi nya.

"What is it Dad?" Tanong ko.

He sipped his coffee before he answer my question.

"I received death threat". Mahinahong sagot nya.

Wait. What?!

"Death threats?! For whom?!" Gulat na tanong ko.

"For you and for myself as well." He said calmly.

Oh my! Dad! Magpanic ka naman! Cause Im kinda sense my panic mode.

"So what we're gonna do now?!" Yung kabog sa dibdib ko. Ito yung naramdaman ko nung nag aagaw buhay ang mommy ko.

"For now, wala. Pero may plano na ako regarding this. Don't worry a lot. You can leave. Take Care". At saka umalis at pi-nat yung balikat ko.

"Dad?" Tawag ko sa kanya.

"Yes?" Tugon nya.

I hugged him. And he hugged me back.

"Please stay safe. Nawalan na ako ng isang magulang. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawalan pa ako ng isa". I told him while my tears starting to fall.

"Everything is going to be fine my dear". Tipid syang ngumiti at saka umalis.

Makikipaglaro na naman ba ang pamilya ko kay kamatayan? O magpapadala ang langit ng isang sugo para iligtas ang pamilya ko?

Argh! Hindi ko na alam!

-

Her Personal Body GuardOnde as histórias ganham vida. Descobre agora