13

101 8 0
                                    

Chapter 13

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Chapter 13

Tumayo na ‘agad ako nang mag-ring ang bell hudyat na break time na, muli ay walang binigay si Maa’am Azure na activity, marahil bukas ay mayroon na. Kasabay ko si Laurie sa paglalakad habang si Dancel naman ay humabol para sabihin na sasabay siya sa amin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa patakbo kaming nilapitan ni Keem kasama si Samantha, wala sila sa klase kanina, siguro ay late kaya napa-duty sa Library.

“OMG, Dancel, you’re back! Are you okay? Magaling na ba ang paa mo?” nag-aalalang bungad niya kay Dancel.

“Nakakatayo at nakakalakad na nga oh, obvious ba?” si Laurie na mataray na tinapunan ng tingin si Keem.

“I’m not talking to you, kaya p’wede ba ay huwag kang sumabat!” mataray naman na baling ni Keem kay Laurie matapos ay bumaling muli kay Dancel.

Sasagot pa sana ulit si Laurie ngunit pinigilan ko siya.

“I’m okay, Keem, thank you sa concern.” nakangiti namang sabi ni Dancel sa kaharap niya.

“Ayun naman pala, eh, tara na Bessy, gutom na talaga ako.” si Samantha habang kinukulit si Keem.

“Manahimik ka nga d’yan, may kausap pa ako eh.” singhal niya kay Samantha. “Dancel, sabihin mo lang kapag may masakit sa ‘yo ha, dadalahin agad kita sa clinic, hindi katulad ng iba d’yan.” sabi niya kay Dancel matapos ay nabaling ang tingin sa akin.

Magsasalita sana ako ngunit naramdaman ko ang kamay ni Dancel na pumigil sa akin.

“Don’t worry, Keem, kaya ko sarili ko. Kailangan na naming umalis, excuse.” dahil sa sinabing iyun ni Dancel ay natahimik si Keem hanggang sa nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hahabol pa sana si Keem, pero pinandilatan siya ng mata ni Laurie dahilan para hindi siya tumuloy.

“I’m worried, are you really okay?” tanong ko kay Dancel habang kumakain kami.

“Yes, don’t worry.” nakangiting sabi niya. “Medyo kumirot lang ‘to kaninang umaga, pero I’m good.” dagdag pa niya.

“Ikaw, Bebe ko Lucas, okay ka lang ba?” paglalambing ni Laurie sa katabi niyang si Lucas.

Magkakasabay kaming kumain ngayon ng grupo nina Lucas, hindi ko alam kung anong naisipan nila na isama kami sa kanila, pero dahil na rin siguro sa naging pagsasama namin kahapon kaya nila kami niyaya.

Si Dancel at Liam ay katabi ko, si Laurie, Lucas, at Gav naman ang nasa tapat namin. Si Laurie ang nagpapaingay sa amin, habang si Gav naman… katulad ng dati ay busy sa cellphone. Medyo naiilang naman ako sa bawat pagkausap sa akin nina Dancel at Liam.

“Water do you want?” alok ni Liam sa akin.

“Softdrinks? Juice?” si Dancel naman ngayon.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now