28

88 9 0
                                    

Chapter 28

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Chapter 28

“Finally, we’re done!”

Isang malaking ngiti ang ibinigay ko kay Dancel na katabi kong naka-upo sa sofa namin, abala siya sa panonood ng basketball game sa TV. Katatapos ko lang mag-email sa mga contact namin sa lugar na pupuntahan namin.

Hindi naman sa walang ambag si Dancel sa ginagawa namin dahil ang totoo ay siya ang gumagawa nito kanina at inagaw ko lang sa kaniya dahil pakiramdam ko’y wala akong naitutulong.

Ibinaba ko ang laptop sa lamesa na nasa harapan namin, naagaw ko naman ang atensyon ni Dancel at ibinaba rin niya ang hawak niyang bowl ng nachos at mabilis akong hinatak para yakapin niya.

“Ano ba, sabi na kasing wala pa akong ligo!” pagiinarte ko, pero ang totoo ay natutuwa naman ako sa pagiging clingy niya.

Kunwari ay nagpupumiglas ako, pero nag-eenjoy naman ako sa yakap niya sa akin.

“Kahit one week ka pang hindi maligo, yayakapin pa rin kita!” nakangiting sabi niya matapos ay tuluyan na akong kumawala.

“Yuck, ang baboy mo! Naisip mo talagang aabot ako ng one week na hindi naliligo?!” tumatawang sabi ko kasunod ang paghampas sa braso niya.

“What do you want to your birthday?” pagiiba niya bigla ng usapan.

Bago sumagot ay kinuha ko muna ang nachos sa harapan namin at nagpatuloy kumain.

“Kahit ano, basta ba galing sa ‘yo.” nakangiting sagot ko kasunod ang isang kindat na tinawanan lang niya.

“Ang corny mo talaga.” natatawang reaksyon niya dahilan para matawa rin ako.

Sa halip na sumagot at sinubuan ko na lang siya ng isang piraso ng nacho at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Lumipas ang oras at nanatili lang si Dancel sa bahay namin para maghintay ng confirmation mula sa contact ng mga lugar na pupuntahan namin.

Kailangan kasi ng permit sa pagso-shoot sa mga lugar, ginagawa namin ito dahil ganito naman talaga ang kahaharapin namin kapag nasa field na talaga kami. Dalawang permit ang inihanda namin, isa na galing sa CSB at isa na kami mismo ang gumawa.

Lumipas ang mga araw at handang-handa na kami sa pagso-shoot, plakado na rin ang mga lugar na pupuntahan namin dahil lahat ay pumayag na magshoot kami sa property nila, sobrang excited ako dahil sobrang dami naming pupuntahan.

“Bella, Dancel’s here!” narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Alam ko naman na naroon na si Dancel dahil katawagan ko rin siya kanina at ready na rin naman ako kaya kaagad akong bumaba sa salas, doon ko siya naabutan.

Napaka-aga ng call time namin dahil marami-rami talaga kaming pupuntahan ngayong araw

“Let me help you with that.” bungad sa akin ni Dancel nang magharap kami.

It Only Happens in the StoriesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz