15

88 8 0
                                    


Chapter 15

"Oh, Liam, anong ginagawa mo rito?"


Hindi ako natuloy sa pagpasok sa bahay namin dahil sa pagtawag sa akin ni Liam. Naglakad siya palapit sa akin. Muli ay tinanong ko sa kaniya kung ano ang ginagawa niya sa bahay namin ng ganitong oras.

"Papasok sana ako sa bar kanina, pero nakita kitang mabilis na sumakay ng taxi, hinahabol ka ni Dancel, hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo, pero mukhang hindi kayo okay, kaya sinundan kita." paliwanag niya dahilan para magulat ako.

Nakita niya pala kami at nakakahiya dahil mukha akong tanga na umiiyak ngayon sa harapan niya.

"I'm here for you, Bella, you can use me as your tissue." nakangiting sabi niya dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya at lalong mapaiyak. "Sana hindi pa ako natatalo ni Dancel." bulong niya sa akin dahilan para tingnan ko siya, nakangiti siya sa akin. "You can use me as your diary, aslo, Bella, makikinig lang ako." dagdag pa niya dahilan para umayos ako ng pagkakatayo.

Mabilis kong ikinuwento sa kaniya ang naging pag-uusap namin ni Dancel kanina sa loob ng sasakyan, pinilit ko na ayusin ang pagsasalita dahil medyo apektado na iyun nang pag-iyak ko, as expected nagulat siya.

"I'm sorry, Bella, pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit kayo nag-away. Nasira ko pa ang gabi niyo." kalmadong sabi niya sa akin.

"Wala kang kasalanan, Liam. Ako naman talaga ang dapat sisihin, dahil ang OA ko." natatawa ngunit seryosong sabi ko. "By the way, nasaan kaya si Dancel? Nakita mo ba siya?" tanong ko sa kaniya dahilan para magbago ang emosyon niya at magtaka ako. "Is he okay?" tanong ko agad.

"Don't worry, ayos naman siya, pero for sure nag-aalburoto na sa galit 'yun dahil nakita ko na sinisipa niya ang gulong ng kotse niya, butas iyun at marahil ay 'yung mga batang kalye ang may kagagawan, marami kasing masasamang loob sa lugar na 'yun." paliwanag niya dahilan para mag-alala ako.

Naalala ko naman ang pag-alog ng sasakyan niya kanina na hindi namin pinansin, marahil ay ayun ang sinasabi ni Liam na pagkabutas ng gulong ng kotse ni Dancel.

"P'wedeng humingi ng favor, Liam?" nahihiyang sabi ko kay Liam.

"Sure, Bella, anything." nakangiting sabi niya.

Tumayo na kaagad kami nang masabi ko sa kaniya na ihatid niya sa ako sa bar kung saan niya kami nakita kanina. Pasakay na sana kami sa kotse niya nang may isang taxi ang huminto sa harapan namin, lumabas si Dancel mula roon dahilan para magulat ako.

"Dancel!" mabilis ko siyang nilapitan at kaagad na niyakap. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya dahilan para magtaka siya.

"Yes." mabilis na sabi niya. "What is he doing here?" turo niya kay Liam.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now