12

92 8 0
                                    

Chapter 12

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 12

Nang makarating kami sa ospital ay inasikaso agad kami ng mga nurse, may babae pang malagkit ang titig kay Dancel, mukha siyang mayaman, pero iba siya makatitig kay Dancel kaya pinaalis ko siya sa daraanan namin.

“Excuse me po, nagmamadali po kami.” sabi ko roon sa babae matapos ay binigyan din niya ako ng kakaibang tingin, medyo creepy siya.

Mabuti naman at sumunod agad ‘yung babae dahil umalis na siya sa daan.

“Minor injury lang ‘to, Mr. Felix kaya huwag kang mag-alala.” anunsyo ng Doctor matapos i-checkup si Dancel.

Niresetahan pa niya si Dancel para daw mas maging mabilis ang paghilom ng sprain niya, na-out of balance si Dancel dahil sa gulat sa dumaan na sasakyan.

Napanatag naman ako na hindi malala ang naging sitwasyon niya, within one to two days daw ay magiging maayos na ulit ang paa ni Dancel, inadvice pa ni Doc na huwag munang pumasok si Dancel para hindi muna mahirapan maglakad.

“You’re new here, Doc, right?” pagiiba ng usapan ni Dancel.

“Paano mo nalaman?” nakangiting sagot ni Doc.

“Family doctor po namin si Doc. Agustin kaya kilala ko ang mga doctor dito at bago kayo sa paningin ko.” nakangiti ring sabi ni Dancel.

“You’re my 5th patient today, Mr. Felix.” nakangiti namang sabi ni Doc matapos iabot ang gamot na binigay ng nurse, malagkit din ang tingin nung babaeng nurse kay Dancel dahilan para maguluhan ako. “And Doc Agustin is busy with his patient kaya ako na muna nag-asikaso sa ‘yo.” dagdag pa niya.

“Can we go home now, Doc?” pagsingit ko sa usapsan nila.

“Yes, Miss Salvador.” nakangiting sagot niya. “Everything will be fine, kaya huwag kayong mag-alala, mamamaga lang ng konti ang paa mo, Mr. Felix, but don’t worry, mabilisan lang ‘yun basta iinumin mo ang mga gamot na ‘yan, makakapaghabulan na ulit kayo nitong girlfriend mo.” nakangiting sabi ng chismosong Doctor.

Nagkatinginan kami ni Dancel matapos ay muling nagyaya na si Laurie umalis na kami.

Inalalayan kami ng babaeng nurse na kakaiba pa rin nag tingin kay Dancel, hindi ko na iyun pinansin at naglakad na lang palabas ng ospital hanggang sa makarating kami sa taxi na sinakyan namin papunta rito.

“Kuya, thank you po talaga.” nakangiting sabi ko sa taxi driver nang iabot sa kaniya ng sobra-sobrang bayad dahil sa pagiging mabait niya.

“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.” nakangiting sabi niya. “Sige po, mauna na ako.” dagdag pa niya matapos ay tuluyang umalis.

Pumasok ako muli sa bahay ni Dancel. Kasalukuyan siyang naka-upo sa sofa nila, habang si Laurie ay parang bata na nasa amusement park habang kumakain ng cake at pinagmamasdan ang bahay ni Dancel.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now