06

195 12 0
                                    

Chapter 6

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 6

Narinig ko ang kinikilig na reaksyon ni Laurie nang matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari noong Sabado sa pagitan namin nina Dancel at Lucas, hindi niya mapigilang sabihin na ito na nga ang simula ng mala-Wattpad kong love story.

“OMG, Sis, ayan na ang bebe boy mo!” masiglang sabi pa ni Laurie nang pumasok si Dancel sa room namin na siguro ay galing sa canteen. “Hi, Dancel, si Bella nga pala oh.” sabi niya sa lalaking kauupo pa lang kahit na kita naman ako ng binati niya, tila ba may ibang ibig sabihin.

Bumati pabalik si Dancel, gusto pa sanang magsimula ni Laurie nang usapan, pero bigla ko siyang pinigilan, hindi ko pa kayang harapin si Dancel dahil ngayon ay nalilito pa rin ako sa mga nangyayari.

Nagulat ako nang alalayan ako ni Dancel palabas ng classroom nang matapos ang klase, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari, wala akong nagawa sa kinilos niya, ngunit nang makita ko si Lucas ay inalis ko ang kamay ni Dancel na naka-hawak sa balikat ko.

“Hi, Lucas. Hi, Gav. Hi, William.” sunod-sunod na bati ni Laurie sa tatlong lalaking naglalakad malapit sa’min.

Binati naman siya ng mga iyun pabalik, tila ba sanay na sa ekenang iyun. Hinarap ako ni Lucas at binigyan ako ng isang ngiti, bumaling din ang tingin niya kay Laurie bago tuluyang umalis.

Nag-iwan din si William ng tingin at ngiti sa akin dahilan para mapayuko ako nang bahagya.

“What was that?” isang naguguluhan at medyo mapagtaas na tanong ko kay Dancel nang palabas na kami ng school.

“Alin?” inosente niyang tanong.

“Bakit mo hinawakan ang balikat ko?” ganoon pa rin ang reaksyon ko samantalang siya ay blangko lang ang itsura.

“At bakit mo inalis ang kamay ko nang makita mo si Lucas?” tanong niya sa isang malamig na tono. “I’ll drive you home.” dagdag niya dahil hindi na ako nakasagot pabalik sa una niyang tanong.

“P’wede ba akong sumabay?” nagpapa-cute na tanong ni Laurie.

“Yes---“

“No!” mabilis na sabi ko bago pa matapos ni Dancel ang sasabihin niya.

Nakita ko ang gulat na reaksyon nilang dalawa.

“Dahil hindi naman ako pumapayag na ihatid niya ako.” sabi ko pa dahilan para magbago ang reaksyon nila.

“But---“

“No buts, Laurie, tara na.” mabilis na sabi ko kay Laurie at kaagad siyang hinila.

Naiwan naming mag-isa si Dancel na hindi ko na alam kung ano ang ginawa. Nakita ko ang sundo ko at duon na ako dumeretso.

“What was that?” naramdaman ko ang panggagaya ni Laurie sa tono nang pananalita ko.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now