10

119 10 0
                                    

Chapter 10

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 10

Gulat na gulat pa rin ako sa biglang pagdating ni Dancel, hobby talaga niya siguro ang bigla na lang sumulpot sa isang usapan.

Nabuo ang mga tanong sa isipan ko, saan siya galing, anong ginagawa niya rito, at anong sinasabi niya na hindi ako pwedeng isama nina Liam?

“Dancel…”

“Bakit, anong problema, Dancel?” si Liam na pumunta sa harapan ko dahilan para matakluban ako.

“Dahil sa akin siya sasabay.” maawtoridad na sabi niya.

Tila ba isang bata ako na hinila ng Tatay niya nang mahinahon akong hilahin ni Dancel mula sa likuran ni Liam.

“Hindi maaari ‘yang gusto mo, Dancel, dahil pumayag na si Bella na sumabay sa akin.” depensa ni Liam at kaagad din akong hinawakan sa kabila kong balikat.

Ngayon ay pareho na silang nakahawak sa balikat ko, si Dancel sa kaliwa at si Liam sa kanan.

Sa libro ay nakakakilig ang ganitong eksena, pero ngayong sa akin na nangyayari ay hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko, para bang gusto ko na lang tumakbo papalayo.

Nakatingin ako kay Laurie at sinesenyasan siya na tulungan ako, pero para siyang bata na nanonood ng isang romantic movie.

“Wala akong pakialam kung pumayag siya sa sinabi niya sa ‘yo, William, dahil may usapan na kami ni Bella.” depensa pabalik ni Dancel. “Kaya sa akin siya sasama.” siguro ay dahil na rin sa mas mahigpit ang hawak sa akin ni Dancel kaya walang hirap niya akong nahigpit palapit sa kaniya.

“Kaya ba nagdalawang isip pa siya na tanggapin ang bulaklak na binigay ko kahapon ay dahil sinabi mo? Sino ka ba, Dancel ha? Ano ka ba ni Bella? Kaibigan ka lang naman, ‘di ba?” maangas na sabi ni Liam. “Kaya huwag mo siyang diktahan na para bang pagmamay-ari mo siya dahil hindi ka niya boyfriend at lalong hindi ka niya asawa.” deretsong sabi ni Liam sa mga mata ni Dancel.

Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Laurie, maging ako ay nagulat sa mga binitawang salita ni Liam, hindi ko inakala na kaya niya iyung sabihin kay Dancel nang harapan-harapan.

Dumako ang tingin ko kay Dancel, hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o kiligin sa reaksyon niya ngayon.

Nag-igting ang panga niya.

Hindi sumagot si Dancel, ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya ng emosyon, natatakot din ako sa mga susunod na mangyayari dahil baka mamaya ay mag-away sila.

“Liam…” iyun na lang ang nasabi ko dahilan para dumako sa akin ang tingin ni Liam.

“Bella, ikaw ang magdesisyon, sa kaniya ka ba sasama o sa akin?” bakas sa pananalita ni Liam na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.

Nagpalitan ang mga tingin ko sa tatlong tao na kasama ko ngayon, si Laurie na kinikilig ngunit mukhang natatakot din, si Liam na tila hindi magugustuhan kapag hindi ako sumama sa kaniya, at si Dancel na kalmado ngunit malamig na nakatingin sa akin.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now