16

87 9 2
                                    

Chapter 16

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 16

Sabado, naisipan kong tumulong sa paglilinis ng bahay namin bago ko gawin ang individual assignment namin kay Ma’am Azure. Maingay sa buong bahay dahil isang malakas na tugtugin ang nangingibabaw, ganito palagi kapag naglilinis sina Mama, para mas ganahan daw sila, well effective naman dahil nagiging mabilis nga ang pagkilos namin. Ito rin ang dahilan kung bakit mas pinili kong tumulong kaysa gumawa ng assignment dahil talagang hindi ako makakapag-focus.

Pasado alas-dyis na rin nang magsimula kaming maglinis, nalate kasi kami nang gising dahil nag-movie marathon kami kagabi, kasama pa namin si Daddy kahit na video call lamang namin siya nakakausap. Dalawang oras pa ang lumipas nang matapos kami sa paglilinis, hindi naman kalakihan ang bahay namin, normal na laki lang ng isang bahay sa isang village.

Nang matapos ay isang masarap na pananghalian ang naghihintay sa amin. Sabay-sabay ulit kaming kumain hanggang sa maghiwa-hiwalay na para magpahinga. Nagpaalam si Mama na may pupuntahan siyang meeting, naiwan naman ako mag-isa sa bahay dahil lumabas din si Ate Kristine para mag-grocery.

Madali lang naman ang assignment namin kaya hindi ako nahirapang gawin, magka-usap pa kami ni Laurie sa video call habang sabay kaming gumagawa. Ang dami naming kwento sa isa’t isa, hindi rin maalis sa usapan namin ang tungkol kay AnakNiPilosopotasyo na ngayon na lang ulit namin napag-usapan.

Kinumusta niya ako tungkol kay Dancel at Liam na palagi niyang ginagawa, sa huli ay nauwi na naman sa asaran.

“May date kami ni Lucas bukas.” bakas sa mukha ni Laurie ang kilig nang tanungin ko kung ano ang ganap sa kanilang dalawa ng manliligaw niya.

“Oh, paano, sasagutin mo na ba siya?” nakangiting tanong ko.

“Ano ka ba, hindi pa ‘no.” mabilis na sagot niya habang kinakagat ang hawak na ballpen. “Sa ball na lang, hihi.” kinikilig pa rin na sabi niya.

Natawa ako dahil sa naging sagot niya, “Pambihira, bakit may schedule?!”

 
“Wala ka na roon! ‘Tsaka, hindi ba mas romantic ‘yun, para maging memorable sa amin ang gabing ‘yun, ikukwento namin sa mga magiging anak at mga apo namin.” sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

“Two week na lang pala, ball na. May isusuot ka na ba?” tanong ko sa kaniya habang abala pa rin sa ginagawa.

“Magtitingin kami ni Lucas bukas, gusto kasi niya match ‘yung suot namin, may kakilala raw siyang gumagawa ng damit para sa mga ball kaya baka doon ako makahanap.” nakangiting sagot niya. “Ikaw ba, meron na? Sis, huwag mong sabihin sa akin na seryoso ka na hindi ka aattend ng ball, susungalngalin talaga kita!” dagdag pa niya habang seryosong nakatingin sa akin.

“Ang sabi ko hindi pa ako sure.” paglilinaw ko.

“Wala kang choice kun’di ang umattend, Sis.” seryoso pa ring sabi niya. “Malay mo, doon magtapat si Dancel ng nararamdaman niya sa ‘yo.” ngayon ay napalitan nang pangaasar ang tono niya.

It Only Happens in the StoriesWhere stories live. Discover now